Ang anapase o patidyugto (Ingles: anaphase, Kastila: anafase) mula sa salitang ἀνά (taas) at φάσις (yugto) ng Sinaunang Griyego, ay ang yugto ng mitosis kung saan hinihiwalay ang mga kromosoma sa isang selulang eukaryotiko.[1] Gumagalaw ang bawat kromatid sa magkabilang dulo ng selula, malapit sa sentro ng pag-oorganisa ng mikrotubula. Sa panahon ng yugtong ito, maaaring mangyari ang tinataguriang anaphase lag.

Biglang nagsisimula ang anaphase sa tahasang paghuhudyat ng transisyon mula metapase o metaphase tungo sa anaphase, at binubuo ito ang humigit-kumulang 1% ng haba ng siklo ng selula. Sa puntong ito, magsisimula ang anaphase. Nagwawakas ang gawaing ito sa pamamagitan ng pagbibiyak at pagpapatay sa M-phase cyclin na kailangan para sa pagpapagana ng mga M-phase cyclin dependent kinases (M-Cdks). Binibiyak din ito ang securin, isang protina na nagpapatigil sa protease na kilala bilang separase. Binibiyak naman ng separase ang cohesin, isang protinang naghahawak sa mga magkakasamang kromatid.


Mga sanggunian

baguhin
  1. "Anaphase". Bionity.com. Nakuha noong 9 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)