Anatomiyang makroskopiko
Ang anatomiyang makroskopiko (Ingles: gross anatomy, Kastila: anatomía macroscópica) ay ang pag-aaral ng anatomiya sa nakikita o makroskopikong antas.[1][2] Ang katumbas ng anatomiyang makroskopiko ay ang larangan ng histolohiya, na nag-aaral ng mikroskopikong anatomiya. Ang anatomiyang makroskopiko ng katawan ng tao o ibang mga hayop ay naglalayong maunawaan ang ugnayan ng mga bahagi ng isang organismo upang mas maintindihan ang mga papel ng mga bahaging ito at ang kanilang ugnayan sa pagpapanatili ng mga tungkulin ng buhay. Ang pag-aaral ng anatomiyang makroskopiko ay maaaring gawin sa mga patay na organismo sa pamamagitan ng diseksyon o sa mga nabubuhay na organismo sa pamamagitan ng pag-iimaheng medikal. Ang edukasyon sa anatomiyang makroskopiko ng tao ay kasama sa pagsasanay ng karamihan sa mga propesyonal sa kalusugan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Leeson, Thomas S.; Leeson, C. Roland (1981). Histology (ika-Fourth (na) edisyon). W. B. Saunders Company. pp. 600. ISBN 978-0721657042.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Stedman's medical dictionary (ika-27th (na) edisyon). Lippincott Williams & Wilkins. 2006. ISBN 068340007X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)