Andrea Arce
Si Andrea Vitan Arce ay naging guro at punungguro sa mga paaralang bayan sa Maynila nang humigit-kumulang sa dalawampung taon. Nagsimula siyang magsulat noong taong 1903. Isa siya sa mga kababaihang naging bahagi ng mga kilusang makabayan. Bilang manunulat, nagtagumpay siya sa timpalak sa maikling kuwento ng lingguhang Liwayway noong 1936.
Andrea Arce | |
---|---|
Trabaho | manunulat |
Ang kanyang maikling kuwentong Dakilang Kabayanihan ay kasama sa katipunan ng 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista na pinamatnugutan ni Pedrito Reyes.
Si Andrea Arce ay isinilang noong 30 Nobyembre, 1885 at binawian ng buhay noong 30 Abril 1937 sa gulang na 52.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.