Andres Cristobal Cruz

Si Andres Cristobal Cruz ay kilalang makata at kwentista. Ang kalipunan ng kanyang mga nasulat na tula na may pamagat na Estero Poems ay nalimbag noong taong 1961.

Andres Cristobal Cruz
Trabahomanunulat

Noong 1964 ay lumabas naman ang katipunan ng mga kuwento na may pamagat na White Wall. Ang magaganda niyang mga tula ay Flower by the Estero, Evening Song, Dusk, Night on the Estero, at Dawn.

Isinilang siya sa Dagupan, Pangasina, ngunit lumaki siya sa Tundo, Maynila at nag-aral sa Rizal Elementary School at Torres High School, kung saan siya naging manunulat para sa pahayagan ng nasabing paaralan. Nagtapos siya sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya’y nagsulat para sa mga babasahing Manila Chronicle, Sunday Times, Saturday Mirror, Weekly Women’s Magazine, Counterpoint, Liwayway, at Isyu. Isinulat niya ang mga nobelang Ang Tundo Man May Langit Din at Uliliang Pangarap. Nagkamit siya ng Araw ng Maynila Award, Gawad Balagtas ng Unyong ng mga Manunulat sa Pilipinas, Republic Cultural Heritage Award, at TOYM Award. Siya ay pumanaw noong ikapito ng Enero 2007 sa edad na pitumput-apat dahil sa sakit sa puso.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.