Andromeda (talampad)
Mga koordinado: 00h 46m 00s, +37° 00′ 00″
Ang Andromeda ay isa sa 48 konstelasyon sa talaan ng ika-2 siglo Greco-Roman astronomo na si Ptolemy at nananatiling isa sa 88 modernong konstelasyon. Matatagpuan sa hilaga ng celestial equator, ito ay ipinangalan kay Andromeda, anak ni Cassiopeia, sa mitolohiyang Griyego, na iginapos sa isang bato upang kainin ng dagat-halimaw na si Cetus. Kitang-kita ang Andromeda sa mga gabi ng taglagas sa Hilagang Hating-globo, kasama ang ilan pang konstelasyon na ipinangalanan sa mga tauhan ng mitolohiya ni Perseus. Dahil sa kanyang hilagang declination, ang Andromeda ay makikita lamang sa hilaga ng 40° timog latitud; para sa mga tagamasid patimog ito ay makikita sa ibaba ng abot-tanaw. Ito ay isa mga malalaking konstelasyon, na may sukat na 722 square degrees. Ito ay higit sa 1,400 beses na mas malaki sa kabilugan ng buwan, 55% ng laki ng ang pinakamalaking konstelasyon, Hydra, at higit sa 10 beses ang laki sa pinakamaliit na konstelasyon, Crux.
Ang pinakamaliwanag na bituin nito, Alpha Andromedae, ay isang binary star at binibilang na bahagi ng Pegasus, habang ang Gamma Andromedae ay isang makulay na binary at isang popular na target ng mga baguhang astronomo. Mas madilim kaysa sa Alpha, ang Beta Andromedae ay isang red giant, ang kulay nito ay naanigag kahit walang gamit sa mata. Ang pinakahalatang deep-sky object sa konstelasyon na maanigag kahit walang gamit ay ang Andromeda Galaxy (M31, tinatawag ding Great Galaxy of Andromeda), ang pinakamalapit na spiral galaxy sa Milky Way at isa sa pinakamaliwanag na Messier object. Ang ilan pang mas malabong galaxy, kabilang ang companion (kasama) ng M31 ang M110 at M32, pati na rin ang malayong NGC 891, matatagpuan sa loob ng Andromeda. Ang Blue Snowball Nebula, isang planetary nebula, ay makikita gamit ng isang teleskopyo bilang isang asul na pabilog na bagay.
Sa Chinese astronomy, ang mga bituing bumubuo sa Andromeda ay bahagi ng apat na iba't ibang konstelasyon na may kabuluhang astrolohiko at mitolohiko; ang isang konstelasyon na may kaugnayan sa Andromeda ay umiiral din sa mitolohiyang Hindu. Ang Andromeda ay lokasyon ng radiant para sa Andromedids, ang isang mahinang meteor shower na nagaganap tuwing Nobyembre.