Ang Negosyante ng Venecia

Ang The Merchant of Venice ay isa sa pinakasikat na komedya ni William Shakespeare bagamat ito ay napapabilang sa mga kontrobersiyal niyang dula. Tumatalakay ito sa unibersal na paksa ng pananampalataya ng Hudyo at Kristyano, at ang kaawang kapalaran ng nagpapautang na Hudyong si Shylock.

Si Portia at Shylock sa Korte

Isang pagsasalin ang ginawa Rolando Tinio noong 1977 at pinamagatan niya itong Ang Negosyante ng Venecia.[1]

Ang teksto

baguhin

Ito ay ibinatay sa likha ni Christopher Marlowe ang Hudyo ng Malta, at mga koleksiyon ng kuwento sa kasaysayang midyibal ang Gesta Ronarum.

Mga tauhan

baguhin
  • Duke ng Venice
  • Prinsipe ng Morocco, Prinsipe ng Aragon (Ang mga manliligaw ni Portia)
  • Antonio – a mangangalakal ng Venice
  • Bassanio – kaibigan ni Antonio, kasintahan ni Portia
  • Portia – isang mayamang tagapagmana
  • Nerissa – kanyang alalay
  • Gratiano, Solanio, Salerio – kaibigan ni Antonio at Bassanio
  • Lorenzo – umiibig kay Jessica
  • Shylock – isang mayamang Hudyo
  • Tubal – isang hudyo kaibigan ni Shylock
  • Jessica – anak ni Shylock, kasintahan ni Lorenzo
  • Old Gobbo –isang katulong
  • Balthazar, Stephano – Mga Katulong ni Portia

Sa kagustuhan ni Bossanio na makuha ang puso ng kanyang iniibig na si Portia humingi sya ng tulong sa kanyang matalik na kaibigan na si Antonio. At gayon na lamang ang malasakit ng kanyang kaibigan, dali dali siyang pumunta kay Shylock at humiram ng pera. Isang hudyong galit sa Kristyano, gumawa si Shylock ng kasunduan na kapag hindi siya makabayad sa takdang oras, magbabayad siya ng kaban ng kanyang laman. Kaagad na pumunta sa Belmont si Bossanio ang tirahan ng kanyang iniibig, Samantalang si Portia ay nahihirapan mamili ng manliligaw kaya gumawa siya ng kompetisyon at ito ang pagpili sa mga sisidlan. Ang sisidlan ginto ay nakuha ng Prinsipe ng Morroco na gayon na lamang ang tuwa ni Portia gayung ayaw nya sa kulay nitong balat, Ang pangalawang dumayo ay ang Prinsipe ng Aragon nagkamali sya ng pagpili it Dhailo ay isang pilak na sisidlan na kumakatawan din sa kanyang pagkatao isang payaso. Si Portia ay talagang hirap na mamili sa kanyang mga manliligaw. Pero napagtagumpayan ni Bassanio ang pagpili sa mga baul baulan.

Sanggunian

baguhin
  1. Mateo, Ibarra (27 Setyembre 2013). "'Ang Negosyante ng Venecia' aims to provoke discussion on the Holocaust". GMA News Online. Nakuha noong 17 Setyembre 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)