Panginoon

(Idinirekta mula sa Ang Panginoon)

Ang panginoon (Ingles: lord[1], master[1]) ay isang titulo o pamagat ng paggalang[1] sa isang taong may dugong maharlika. Ginagamit itong pantawag sa Diyos, mga hari, may-ari ng manor, baron, anak ng duke o hukom ng Britanya. Kaugnay ng sa antas ng mga tao, nangingibabaw, naghahari, mas may kapangyarihan o may dominasyon sa ibabaw ng karaniwang tao ang isang panginoon.[2] Tinatawag ding maestro ang isang panginoon dahil sa siya ang may kapangyarihan o may kontrol sa iba.[1] Kapag ginamit patungkol sa Diyos, ito ang pagpapakitang may kapangyarihan ang Diyos sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Tinatawag ding panginoon si Hesus ng kanyang mga tagasunod, katulad ng kanyang unang mga alagad, upang ipakahulugang si Hesus ang may kapangyarihan sa lahat ng mga bagay.[1]

Tingnan din

baguhin
  • El Cid, salitang Kastila na nangangahulugang "Ang Panginoon"

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 The Committee on Bible Translation (1984). "Lord, master". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B7.
  2. Gaboy, Luciano L. Lord - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.