Ang Puting Ibon at ang Kaniyang Asawang Babae

Ang Ang Puting Ibon at ang Kaniyang Asawang Babaee ay isang kuwentong-pambayan sa Silangang Asya na inilathala bilang bahagi ng pagtitipong The Bewitched Corpse.

Pinanggalingan

baguhin

Ang The Tales of the Bewitched Corpse ay isang compilation ng mga kuwentong Indo-Tibetano na kalaunan ay dinala sa Mongolia at isinalin sa mga wikang Mongoliko.[1][2] Ang koleksiyon ay kilala sa India bilang Vetala Pañcaviṃśati, sa Tibet bilang Ro-sgrung, sa Mongolia bilang Siditü kegür, at sa Oirat bilang Siddhi kǖr .[3][4]

Mga pagkakaiba

baguhin

Ayon sa Ungarong orientalistang si László L. Lőrincz, ang kuwento ay pinamagatang Sibaɣun ger-tü ("Ang Tao sa Anyo ng Isang Ibon") sa isang wikang Mongol na bersiyon ng The Bewtiched Corpse.[5] Sa mga publikasyon sa wikang Tibetan, ang kuwento ay pinamagatang Bya-šubs-čan-gyi leu'ste o Rgyal-bu bya-šubs-čan-gyi leu'ste ("Ang Kwento ng Tao na may Balat ng Ibon"). Tinutukoy din ni Lörincz ang mga bersyong pampanitikan at folkloriko (pasalita) ng kuwento.[6]

Iba't ibang pagsasalin ang kuwento ang makikita sa Ingles: The White Bird's Wife, ni Eleanore Myers Jewett (mula sa Tibet).[7]

Sa isinalin na bersyon ni Charles John Tibbitts na may pamagat na The Bird-Man, nakatira ang isang ama kasama ang kaniyang tatlong anak na babae, na nagpapastol ng kanilang mga guya; ang mga kapatid na babae ay dumaan sa isang gintong pinto, isang pilak na pinto at isang tansong pinto at natagpuan ang ibon; pinakasalan ng bunsong kapatid na babae ang ibon. Sa loob ng 13 araw na kapistahan sa paligid ng malaking pagoda sa kapitbahayan, ang ibon, sa anyong tao, ay nakasakay sa isang puting kabayo, at sinunog ng kaniyang asawa ang kaniyang bahay-ibon, na siyang kaluluwa ng asawa. Nang sa wakas ay matagpuan siya muli ng asawa pagkatapos niyang mawala, ipinaliwanag niya na napilitan siyang umigib ng tubig para sa mga Tschadkurr at sa Tângâri. Iniligtas siya ng asawa sa pamamagitan ng pagtatayo ng bagong birdhouse.[8]

Mga Buryat

baguhin

Iniulat ng mananaliksik na si Nadežda Šarakšinova ang pagsasalin sa wikang Buryat ng The Bewitched Corpse. Sa bersiyong ito ng koleksiyon, ang kuwento ay may bilang na 5 at pinamagatang Ang Babae na Nagkaroon ng Asawa ng Ibon.[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. de Rachewiltz, Igor; and Rybatzki, Volker. Introduction to Altaic Philology. Leiden, The Netherlands: Brill, 31 May. 2010. pp. 227, 233. doi: https://doi.org/10.1163/ej.9789004185289.i-524
  2. Kára, G. "Mongolian Literature". In: Turkic and Mongolian Literature. History of civilizations of Central Asia, v. 5. UNESCO. p. 738. ISBN 978-92-3-103876-1.
  3. de Rachewiltz, Igor; and Rybatzki, Volker. Introduction to Altaic Philology. Leiden, The Netherlands: Brill, 31 May. 2010. pp. 227, 233. doi: https://doi.org/10.1163/ej.9789004185289.i-524
  4. Kára, G. "Tibetan and Mongolian Literature". In: History of civilizations of Central Asia. UNESCO, 2000. p. 386. ISBN 92-3-103654-8.
  5. LŐRINCZ, L. “LES «CONTES DU CADAVRE ENSORCELÉ» DANS LA LITTÉRATURE ET LE FOLKLORE MONGOLS”. In: Acta Orientalia Academiae Scientiarum Hungaricae 20, no. 2 (1967): 205, 222. http://www.jstor.org/stable/23682112.
  6. LÖRINCZ, L. "LES «CONTES DU CADAVRE ENSORCELÉ» (RO-SGRUN) DANS LA LITTÉRATURE ET LE FOLKLORE TIBÉTAINS". In: Acta Orientalia Hungaricae 18 (1965): 312.
  7. Jewett, Eleanore Myers. Wonder Tales from Tibet. Boston: By Little, Brown, and Company. 1922. pp. 27-49.
  8. Tibbitts, Charles John. Folk-Tales and Legends: Oriental. London: W. W. Gibbings. 1889. pp. 101-106.
  9. ŠARAKŠINOVA, NADEŽDA O. “LES CONTES DU CADAVRE ENSORCELÉ CHEZ LES BOURIATES”. In: Acta Orientalia Academiae Scientiarum Hungaricae 16, no. 1 (1963): 46–47. http://www.jstor.org/stable/23682290.