Ang isang totoong simbahan
Ang isang totoong simbahan o one true church ang pag-aangkin ng maraming mga sektang Kristiyano na ang kanilang sekta ang tanging totoo at tunay na simbahang Kristiyano na itinatag ni Hesus at ng mga apostol.
Mga halimbawa
baguhinSimbahang Silangang Ortodokso
baguhinAng Simbahang Silangang Ortodokso ay kumikilala sa sarili nito bilang ang "isa, banal, katoliko at apostolikong simbahan". Halimbawa nito ang mga isinaad sa mga synod na idinaos noong 1836 at 1838 at sa mga pakikipagsagutan nito kina Papa Pio IX at Papa Leo XIII.[1]
Simbahang Katoliko Romano
baguhinIdineklara sa Ikaapat na Konsehong Laterano na: "May isang unibersal na simbahan ng mga mananampalataya na sa labas nito ay absolutong walang kaligtasan".[2] Ito ay kilala bilang ang doktrinang Extra Ecclesiam nulla salus.
The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints (LDS)
baguhinThe Church of Jesus Christ of Latter-day Saints (LDS) o mga Mormon ay naniniwalang si Joseph Smith, Jr. ang pinili upang ibalik ang orihinal na organisasyong itinatag ni Hesus na ngayon ay nasa kabuuan na.
Paghaliling apostoliko
baguhinAng paghaliling apostoliko ang mga pag-aangkin ng mga iba't ibang sektang Kristiyano na ang kanilang simbahan ay itinatag ng isa o maraming apostol.