Ang mga Paglalakbay ni Marco Polo
Ang The Travels of Marco Polo ("Ang mga Paglalakbay ni Marco Polo") ay ang karaniwang pamagat sa Ingles ng aklat sa pagbibiyahe ni Marco Polo na binansagang Il Milione (Ang Milyon) o Le Livre des Merveilles (Ang Aklat ng mga Kahanga-hanga). Isa itong libro mula sa ika-13 siglo na isinulat ni Rustichello da Pisa halaw sa mga kuwento at tala ni Marco Polo. Ito ay naglalarawan ng mga paglalayag ni Marco Polo sa Silangan, kabilang ang Asya, Persiya, Tsina, at Indonesya, sa pagitan ng mga taong 1271 at 1298, at kilala rin bilang Oriente Poliano at Paglalarawan ng Daigdig (Description of the World). [1] [1]
Naging isa itong tanyag at popular na libro, kahit pa man noong ika-14 na siglo. Sinasaad ng libro, di umano, ang naging kahalagahan ni Marco Polo sa kaharian ng pinuno ng Mongol na si Kublai Khan[2]. Subalit, napagtatalunan pa rin ng mga kasalukuyang iskolar ang katotohanan sa likod ng talang ito. At ang iba nga ay nag-aalinlangan sa kung si Marco Polo ay totoong nakapaglayag sa kaharian o maaaring nag-uulit lamang ng mga kuwentong kanyang narinig mula sa ibang manlalakbay. [3] Isinulat ang libro sa wikang Old French o Lumang Pranses ni Rustichello da Pisa, isang manunulat ng mga akdang romantiko o kuwento ng pag-iibigan, na napabalitang sumusulat mula sa mga naikuwento ni Marco Polo noong nakabilanggo sila sa Genoa matapos ang pagkakadakip mula sa isang barko. [4] Ang librong "The History of the United States" ("Ang Kasaysayan ng Estados Unidos") ni William B. Guitteau noong 1937 ay nagbibigay ng ganitong paliwanag, "Kasunod ng muli niyang pag-uwi, nabihag si Marco Polo sa Genoa at naibilanggo; at upang mapalipas ang panahon sa piitan ay isinulat niya ang mga kuwento ng kanyang mga paglalakbay. Unang nailimbag ang libro noong taong 1477; ito ay binasa at masusing sinuri ni Christopher Columbus, at ang kopya na kung saan naglalaman ng mga puna ng batikang maglalayag ay matatagpuan pa rin sa Columbian Library sa Seville."
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Boulnois, Luce (2005). Silk Road: Monks, Warriors & Merchants. Hong Kong: Odessey Books & Guides. pp. 311–335. ISBN 962-217-721-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Truyện chữ". Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-04-03. Nakuha noong 2013-10-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.