Anglikanismo

(Idinirekta mula sa Angglikanong Komunyon)

Ang Anglikanismo ay isang tradisyon ng pananampalatayang Kristiyano. Sa loob ng tradisyong ito, maaaring nagtataglay ang mga simbahan ng mga kaugnayang pangkasaysayan sa Simbahan ng Inglatera o may katulad na mga paniniwala, pagsamba, at kayarian ng simbahan.[1] Nanggalin gang salitang Anglikano mula sa ecclesia anglicana, isang midyebal na pariralang Latino na nagmula pa sa taong 1246 at nangangahulugang ang Simbahang Ingles. Tinatawag na mga Anglikano ang mga taong kasapi o sumusunod sa Anglikanismo. Karamihan sa mga Anglikano ang mga kasapi ng mga simbahang bahagi ng pandaigdigang Komunyong Anglikano.[2] Subalit mayroong isang bilang mga simbahang nasa labas ng Anglikanong Komunyon na tumuturing sa kanilang mga sarili bilang nasa loob ng tradisyong Anglikano, pinakapartikular na ang mga tinatawag na Nagpapatuloy na Anglikanong mga simbahan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Ang ibig sabihin ng pagiging isang Anglikano | Simbahan ng Inglatera". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-30. Nakuha noong 2009-03-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  2. "Opisyal na Websayt ng Anglikanong Komunyon - Bahay Pahina". Nakuha noong 2009-03-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.