Si Annibal Camoux (1638? – 1759) ay isang dating sundalong Pranses mula sa Marseilles na kilala sa kanyang mahabang buhay. [1] Karamihan sa mga mananaliksik, kabilang ang historyador ng Pransya na si Louis Thibaux, ay isinasaalang-alang na ito ay isang hindi pa napapatunayang kaso ng pagkahabambuhay.

Annibal Camoux

Isa siyang dating sundalo sa paglilingkod ng Hari ng Pransya, na ayon sa kanyang talambuhay ay umabot sa edad na 100 nang hindi nawawala ang kanyang lakas, na iniugnay niya sa kanyang kasanayan sa pagnguya ng ugat ng Anghelika. [2] Inangkin niya na nakuha niya ang kanyang kaalaman sa mga halamang gamot mula sa naturalista na si Joseph Pitton de Tournefort noong 1681.

Sumapi siya sa hukbong Pransya sa edad na 12 at nagsabing nakilahok siya sa pagtatayo ng Fort St Nicolas [fr] noong 1660.

Si Louis XV ay naglaan ng pensiyon para sa kanya. Noong 1755, binisita siya ni Kardinal Belloy, Obispo ng Marseille. Maraming pintor ang nagguhit ng kanyang larawan, bukod sa mga ito ay si Claude Joseph Vernet, na nagpinta sa kanya sa daungan ng Marseilles .

Namatay si Annibal Camoux noong 1759 sa Marseilles, sa inaangkin na edad na 121. Gayunpaman, ipinapahiwatig ng pananaliksik na siya ay ipinanganak noong 1669, nangangahulugang siya ay 90 pa lamang nang siya ay namatay. [2]

L'entrée du port de Marseille (1754), ni Claude Joseph Vernet, Museo ng Louvre

Ang L'entrée du port de Marseille (1754) ni Claude Joseph Vernet ay bahagi ng isang serye ng 15 representasyon ng mga daungang Pranses sa dagat na kinomisyon ni Haring Louis XV at ginawa sa pagitan ng 1754 at 1765. Isang maliit na aklat sa pagtatanghal sa sining noong 1755 ang nagbigay ng ilang impormasyon tungkol dito: Pasukan sa Daungang Marseilles. Maaari nating makita ang Muog ng St. Jean at San Nicolas na nagpoprotekta sa pasukan na ito .... sa harapan, pininturahan ng tagalikha ang isang larawan ng isang lalaki na 117 taong gulang na may mabuting kalusugan.

Mga sanggunian

baguhin