Antartika

pinakatimog na kontinente sa mundo
(Idinirekta mula sa Antarktika)

Ang Antartika[1] (mula Griyego: Ανταρκτική, salungat ng Artiko; Kastila: Antártida o Antártica; Ingles: Antarctica) ay ang pinakatimog na kontinente ng Daigdig. Matatagpuan nang halos lubusan sa timog ng Bilog ng Antartiko at napapalibutan ng Katimugang Karagatan, napapalibutan nito ang heograpikong Timog Polo. Ang Antartika ay ang ikalimang pinakamalaking kontinente, na halos doble ang laki ng Australya, at mayroong lawak na 14,200,000 km2 (5,500,000 mi kuw). Nakatakip ang karamihan sa Antartika ng yelo, na may promedyong [average] kapal na 1.9 km (1.2 mi).

Antartika
Mapa ng mundo na pinapakita ang lokasyon ng Antartica
Isang satellite composite image ng Antartika.

Sa katamtaman, ang Antartika ay ang pinakamalamig, pinakatuyo, at pinakamahangin sa mga kontinente, at mayroong pinakamataas na elebasyon. Pangunahin itong isang disyertong polo, na may presipitasyon taon-taon na higit sa 200 mm (8 pul) sa dalampasigan at lalo pang mababa sa kalapuaan. Halos 70% ng mga reserba ng tubig-tabang ay elado (nagyelo) doon, na kung matunaw ay mapapataas nito ang ang antas ng dagat ng Daigdig nang halos 60 metro (200 tal). Mayroong tala ang Antartika para sa pinakamababang naisukat na temperatura sa Daigdig, na −89.2 °C (−128.6 °F). Maaaring umabot ng higit 10 °C (50 °F) ang mga temperatura sa mga rehiyon sa baybayin sa tag-init. Kasama sa mga katutubong espesye ng mga hayop ang mga garapata (o mite), nematode (uri ng bulate), penguino, karnerong-dagat, at tardigrade. Ang behetasyon ay binubuo ng tundra.

Maaaring unang nakita ang mga ice shelf (o platapormang yelo) ng Antartika noong 1820, sa ekspedisyong Ruso na pinamunuan nina Fabian Gottlieb von Bellingshausen at Mikhail Lazarev. Sa sumunod na mga dekada, nagkaroon ng karagdagang eksplorasyon ng mga ekspedisyong Pranses, Amerikano, at Britaniko. Nakamit ang unang nakumpirmang paglapag ng isang grupong Norwego noong 1895. Sa unang bahagi ng ika-20 dantaon, naisagawa ang maraming mga ekspedisyon sa loob. Ang Britanikong eksplorador na si Ernest Shackleton ang naging kauna-unahang tao na maabutan ang magnetikong Timog Polo noong 1907, at unang naabutan ang heograpikong Timog Polo noong 1911 ng mga explorador na Norwego.

Sa mga buwan na tag-init, nakatira ang 5,000 katao sa mga istasyon ng pananaliksik, isang bílang na bumababa sa humigit-kumulang na 1,000 sa taglamig. Pinamamahalaan ang Antartika ng humigit-kumulang na 30 bansa, na lahat ay mga kasapi sa Sistemang Tratadong Antartiko noong 1959. Ayon sa mga termino ng tratado, lahat na pinagbabawalan ang aktibidad na pangmilitar, pagmimina, pagsasabog na nukleyar, at ang pagtatapon ng duming nukleyar.

Etimolohiya

baguhin
 
Isang haka-hakang representasyon ng Antartika na nakatatak bilang 'Terra Australis Incognita' sa Zeekaart van het Zuidpoolgebied (1657) ni Jan Janssonius, Het Scheepvaartmuseum

Nagmula ang pangalan na binigay sa lupalop sa salitang antartiko, na mula sa Gitnang Pranses antartique o antarctique ('kabaligtaran ng Artiko') at, nagmula naman ito sa Latin na antarcticus ('kabaligtaran ng hilaga'). Hinango ang antarcticus mula sa Griyegong ἀντι- ('anti-') at ἀρκτικός ('ng Oso', 'hilaga').[2] Sinulat ng pilosopong Griyego na si Aristoteles sa Meteorolohiya ang tungkol sa "rehiyong Antartiko" noong c. 350 BCE.[3] Naiulat na ginamit ng heograpong Griyego na si Marino ng Tiro ang pangalan sa kanyang mapa ng mundo noong ikalawang dantaon CE, na nawala na ngayon. Ginamit ng mga may-akdang Romanong sina Higino at Apuleyo ang para sa Timog Polo ang romanisadong pangalang Griyego na polus antarcticus,[4] kung saan hinango ang Lumang Pranses na pole antartike (makabagong pôle antarctique) na pinatunayan noong 1270, at mula doon ang Gitnang Ingles na pol antartik, na matatagpuan sa unang tratado na sinulat ng Ingles na may-akda na si Geoffrey Chaucer.[2] Hinango naman ng Tagalog ang katawagang Antartika mula sa Kastilang Antártica.

Ang paniniwala ng mga Europeo ng pagkakaroon ng isang Terra Australis—isang malawak ng lupalop sa malayong timog ng globo upang ibalanse ang hilagang lupain ng Europa, Asya at Timog Aprika—ay mayroon na bilang konseptong intelektuwal noong pang klasikong sinaunang panahon. Tumagal ang paniniwalang ito hanggang natuklasan ng mga Europeo ang Australya.[5]

Noong maagang ika-19 na dantaon, nagduda ang manggagalugad na si Matthew Flinders ang pagkakaroon ng nakahiwalay na lupalop sa timog ng Australya (tawag noon na Bagong Olanda) at kaya, tinaguyod niya ang pangalang "Terra Australis" para sa Australya sa halip.[6][7] Noong 1824, ang kolonyal na awtoridad sa Sydney ay opisyal na pinalitan ang pangalan ng kontinente ng Bagong Olanda sa Australya, na iniwan ang katawagang "Terra Australis" na hindi makuha bilang reperensya sa Antartika. Sa mga sumunod na mga dekada, ginamit ng heograpo ang pariralang tulad ng "ang Kontinenteng Antartiko". Hinanap nila ang mas matulaing kapalit, na minumungkahi ang mga pangalang Ultima at Antipodea.[8] Pinagtibay ang Antartika noong dekada 1890, na naikakabit ang unang paggamit ng pangalan sa kartograpong Eskoses na si John George Bartholomew.[9]

Galeriya

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Baybay na "antartika" ayon sa isang lathalain: "Kalusugan at Kalikasan". Balita. 2020-07-18. Nakuha noong 2024-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Antarctic". Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Oxford University Press. Disyembre 2021.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (Kailangan ang suskripsyon o maging kasaspi ng publikong aklatan ng UK.)
  3. Lettinck 2021, p. 158.
  4. Hyginus 1992, p. 176.
  5. Scott, Hiatt & McIlroy 2012, pp. 2–3.
  6. Cawley 2015, p. 130.
  7. McCrone & McPherson 2009, p. 75.
  8. Cameron-Ash 2018, p. 20.
  9. "Highlights from the Bartholomew Archive: The naming of Antarctica". The Bartholomew Archive (sa wikang Ingles). National Library of Scotland. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Pebrero 2022. Nakuha noong 23 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin