Ang Antenna ( Hangul : 안테나) ay isang ahensya ng musika at libangan sa Timog Korea na itinatag ni You Hee-yeol ng proyektong banda na Toy noong 1997. Dating isang independiyenteng label, ganap itong isinama bilang isang subsidiary ng Kakao Entertainment noong Agosto 2021. Ang Antenna ay kilala sa salawikain nitong: "Mabubuting tao, magandang musika, magandang tawa".

Kasaysayan

baguhin

1997-2011: Pagkabuo at unang henerasyon ng mga artista

baguhin

Itinatag ng musikero ng Timog Korea na si You Hee-yeol, na kilala bilang Toy, ang indie record label na "Toy Music" noong 1997. Sa mga unang taon, ang label ay gumawa at naglathala ng ilang mga album para sa mga artista kabilang sina Lucid Fall, Kim Yeon-woo at mismong si You Hee-yeol bilang Toy .

Noong 2007, binago ang pangalan ng label mula sa "Toy Music" sa "Antenna Music". Nangangahulugan ito ng pagpapakilala ng musika na tapat sa esensya ng musika at pagpapalaganap ng magagandang tunog sa lahat kahit na ito ay isang maliit na tunog. [1] [2] Sa parehong taon, ang Antenna Music ay nag-debut ng Timog Korean rock band na Dear Cloud. [3] [4]

Noong 2008, ang modernong electronik na bandang Peppertones ay pumirma sa ilalim ng Antenna Music. Noong Setyembre, pumirma sa Antenna Music ang pianista at musikero ng pelikula na si Jung Jae-hyung [5] pagkatapos makumpleto ang kanyang antas mula sa École Normale de Musique de Paris . [6] Ang singer-songwriter na si Park Sae-byul ay nag-debut sa parehong taon sa ilalim ng ahensya. [7] [8]

Noong Abril 2010, ang unang konsiyerto ng label na tinatawag na "The Great Disappointment Show" ay ginanap bilang isang gimik upang patunayan kung sino ang pinakamahusay na vocal artist ng ahensya. [9]

Noong 2011, sa tagumpay ng unang label na konsiyerto, ang pangalawang label na konsiyerto ay ginanap na tinatawag na "Antenna Music Warriors: Yes, we are together" na may kasunod pang konsiyerto na tinatawag na "Encore Antenna Music Warriors Concert: Always, We Are Together" . [10] [11] [12]

2013-2020: Ikalawang henerasyon ng mga artista at producer

baguhin

Mula 2013 hanggang 2017, nagsilbi si You Hee-yeol bilang hurado sa ika 3 hanggang ika 6 na serye ng competiyon sa telibisyon na K-pop Star . Sa panahong ito, sina Sam Kim, Kwon Jin-ah, Jung Seung-hwan, Lee Jin-ah at Lee Soo-jung ay pumirma sa label pagkatapos matagumpay na mag-audition para sa programa at nakaabot sa nangungunang tatlo na pwesto ng kani-kanilang serye. [13] [14] [15]

Noong 2015, ang pangalang "Antenna Music" ay pinalitan ng "Antenna". [16]

Noong Abril 10, 2016, nag-debut si Sam Kim sa kanyang EP na tinatawag na "My Name is Sam". [17] Pagkatapos ay ginawa ni Lee Jin-ah ang kanyang debut sa ilalim ng label sa kantang "I'm Full" noong Hunyo 10. [18] Ginawa rin ni Kwon Jin-ah ang kanyang debut sa studio album na tinatawag na "One Strange Night" noong Setyembre 19. [19] Noong Setyembre 23–25, ginanap ang ikatlong label na konsiyerto na tinatawag na "Hello Antenna:The Label Concert". Ito ay magkasanib na konsiyerto sa pagitan ng "Antenna Warriors" (Nakakatandang mga artista: You Hee-yeol, Jung Jae-hyung, Lucid Fall, Peppertones and Park Sae-byul ) at "Antenna Angels" (Nakababatang mga artista: Sam Kim, Kwon Jin- ah, Jung Seung-hwan, Lee Jin-ah ) maliban kay Lee Soo-jung na nasa US noon para tutukan ang pagtatapos ng kanyang pag-aaral. [10] [20] [21] [22] Noong Nobyembre 19, nag-debut si Jung Seung-hwan sa EP na "Voice". [23]

Noong Marso 2017, ang "Antenna Angels", ay nagkaroon ng kanilang unang pinagsamang konsiyerto na pinangalanang "We, Begin". [24] Ang Antenna ay nagkaroon ng isa pang label na konsyerto na pinangalanang "With, Antenna" kung saan ang lahat ng mga label artist ay nagtanghal sa unang pagkakataon at naglibot sa 5 lungsod ng Timog Korea at US sa Seoul, Busan, Daegu, LA, at New York [25]

Noong Marso 18, 2019, inihayag ng Antenna na pinirmahan nila ang jazz pianist at producer na si Yun Seok-cheol . [26] Noong Hunyo 19, inilabas ni Lee Soo-jung (Chai) ang kanyang unang kanta sa ilalim ng label at tinawag na, "Give and Take". [27]

Noong 2020, sa mga paghihirap na dulot ng pandaigdigang pandemyang Covid-19, ang label ay nagkaroon ng mga online na content at live stream sa ilalim ng tag na "Everything is OK" with Antenna. Isang re-release na kanta ng Peppertones na pinangalanang "Everything Is OK" (with Antenna Ver.) ang naging theme song nito kung saan lumahok ang mga artist ng Antenna. [10] Ang lahat ng nalikom ay ginamit para sa layunin na pagtagumpayan ang Covid-19. [28] Noong Setyembre 1, pinirmahan ng Antenna ang singer-songwriter at gitarista na si Jukjae. [29] Sinundan siya ng kompositor at producer na si Seo Dong-hwan na sumali noong Nobyembre 30. [30] Noong Disyembre 20, ipinalabas ang unang Christmas carol ng Antenna na pinangalanang "Our Christmas Wish For You" kabilang ang lahat ng kanilang mga artista noong panahong iyon. [10]

2021-Kasalukuyan: Pakikipagugnayan sa Kakao Entertainment, pagpapalawak sa larangan ng entertainment at mga bagong artista

baguhin

Noong Marso 2021, nakakuha ang Antenna ang isang bagong gusali pang-opisina na matatagpuan sa Nonhyeon-dong, Gangnam-gu, Seoul . Ito ang kanilang unang pribadong pag-aari na gusali pagkatapos ng 14 na taon. [31] Noong Mayo 2021, nakuha ng Kakao Entertainment ang 19% na shares ng Antenna, na nagtatag ng isang stratehiyang pakikipagugnayan sa pagitan ng dalawang kumpanya. [32] [33] Noong Hulyo 14, pinirmahan ng Antenna ang personalidad sa telebisyon na si Yoo Jae-suk, ang unang hindi musikero na pinamahalaan ng label. [34] Noong Agosto 17, nakuha ni Kakao ang natitirang shares ng Antenna, at ito'y naging isang ganap na subsidiary neto. [35] Noong Oktubre 1, ang "Dereumyi TV: Udang Tangtang Antenna" (Clumsy Antenna) ng Kakao TV ay ipinalabas bilang isang pangkatuwaang programa na proyekto at may layuning i-promote at ipakita ang kagandahan ng mga artista ng Antenna. [36] Noong Nobyembre 17, pinirmahan ng Antenna ang singer, dancer, entertainer at miyembro ng Lovelyz na si Mijoo . [37] Noong Disyembre 1, inilabas ng Antenna ang kanilang pangalawang Christmas carol na pinangalanang "Hello Antenna, Hello Christmas" na nagtatampok sa lahat ng kanilang mga artista at producer kabilang ang bagong sali na sina Yoo Jae Suk at Mijoo. [38]

Noong Enero 7, 2022, pinirmahan ng Antenna ang producer mula sa Super Band 2 at miyembro ng Lofibaby, Meum at THE FIX na si Hwang Hyeon-jo. [39] Noong Nobyembre 15, nagtatag ang Antenna ng isang independent entertainment studio sa pamamagitan ng Antenna Plus. Bilang panimula, binuksan ang isang Youtube Channel at tinawag na "Ddeun Ddeun" upang lumikha ng iba't ibang content. [40] Noong Nobyembre 21, ang singer-songwriter, DJ at guitarista na si Lee Sang-soon ay pumirma sa kumpanya. [41]

Noong Pebrero 26, 2023, inihayag na pinirmahan ni Antenna ang mang-aawit at personalidad sa telebisyon na si Lee Hyori kasunod ng kanyang asawang si Lee Sang-soon. [42] Noong Hulyo 2023, binili ng CEO na si You Hee-yeol ang 21.37% ng Antenna shares [43] na sinundan ni Yoo Jae-suk na bumili ng 20.7% stake upang ang matira sa Kakao Entertainment ay 57.93% stake. [44] Noong Agosto 6, nag-debut sa Antenna ang singer-songwriter at producer na si Drewboi sa kanyang digital single na "Sunday". [45] [46] Noong Agosto 7, inihayag ng Antenna na pumirma ka kanila ang singer, musical theater actor at Super Junior member, si Cho Kyu-hyun . [47] [48]

Mga artista

baguhin

Mga grupo

baguhin
  • Toy
  • Peppertones

Mga soloista

baguhin
  • Lucid Fall
  • Park Sae-byul
  • Jung Jae-hyung
  • Sam Kim
  • Kwon Jin-ah
  • Jung Seung-hwan
  • Lee Jin-ah
  • Yun Seok-cheol [49]
  • Lee Sang-soon [50]
  • Mijoo
  • Lee Hyori [51]
  • Drewboi [46]
  • Cho Kyu-hyun

Entertainer

baguhin
  • Yoo Jae-suk [34]
  • Mijoo

Producer

baguhin
  • Seo Dong-hwan [52]
  • Hwang Hyeon-jo [53]
  • Yun Seok-cheol

Mga dating artista

baguhin
  • Kim Yeon-woo
  • Dear Cloud (2007) [4]
  • Lee Soo-jung (Chai) (2016–2021) [54]
  • Jukjae (2020–2023) [55]

Mga Konsyerto at Paglilibot

baguhin
  • The Great Disappointment Show (2010) [9]
  • Antenna Music Warriors: Yes, we are together (2011) [11]
  • Encore Antenna Music Warriors Concert: Always, We Are Together (2011) [12]
  • Hello Antenna: The Label Concert (2016) [21]
  • Antenna Angels Concert: We, Begin (2017) [24]
  • With Antenna (2017 - label tour sa 5 lungsod ng ng Seoul, Busan, Daegu, LA at New York) [25]

Mga Palabas

baguhin
  • Dereumyi TV: Udang Tangtang Antenna [36]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kwon, Soo-bin (2013-11-25). "Yoo Hee-yeol "You mean Antenna Music? It means to spread music widely."".{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Hwang, Hye-jin (2017-04-06). "'Happy Life' Yoo Hee-yeol "Antenna's favorite musician? Jeong Jae-hyeong"".{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "'와플선기' 김재욱, 뮤비서 '천사와 악마' 두 얼굴". 아이뉴스24 (sa wikang Koreano). 2007-10-31. Nakuha noong 2023-08-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 톱스타뉴스 (2017-12-19). "디어클라우드 나인, 누구길래?…안타까운 연예계 사건과 함께 화제". 톱스타뉴스 (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-08-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 스타뉴스 (2008-09-30). "정재형, 토이 유희열·루시드폴과 한솥밥". 스타뉴스 (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-08-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Jung Jae-hyung". KBS World (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 4, 2016. Nakuha noong Hulyo 14, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. www.etnews.com (2008-11-12). "[금주의 아티스트]박새별". 미래를 보는 신문 - 전자신문 (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-08-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "'대실망쇼'의 반전 박새별(인터뷰)". 이데일리 (sa wikang Koreano). 2010-06-05. Nakuha noong 2023-08-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 "'대 실망쇼'는 '개그콘서트'?···엽기+발랄했던 두 시간①". 이데일리 (sa wikang Koreano). 2010-04-26. Nakuha noong 2023-08-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 "[Opinion] 혹시 '안테나' 좋아하십니까 [음악]". 아트인사이트 (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)"[Opinion] 혹시 '안테나' 좋아하십니까 [음악]". 아트인사이트 (in Korean). Retrieved August 4, 2023.
  11. 11.0 11.1 "마성의 유희열, 이번엔 음악전사다…안테나뮤직 워리어스". 매일경제 (sa wikang Koreano). 2011-02-17. Nakuha noong 2023-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)"마성의 유희열, 이번엔 음악전사다…안테나뮤직 워리어스". 매일경제 (in Korean). February 17, 2011. Retrieved August 4, 2023.
  12. 12.0 12.1 "Antenna". antenna.co.kr (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-09-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)"Antenna". antenna.co.kr (in Korean). Retrieved September 5, 2023.
  13. Jackson, Julie (14 Mayo 2014). "'K-pop Star' contestants Sam Kim, Kwon Jin-ah sign with Antenna". The Korea Herald.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. ""K-Pop Star 4" Lee Jin-ah and Jung Seung-hwan sign with Antenna Music". Asia Today. 20 Abril 2015. Nakuha noong 16 Hulyo 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "이수정, 'K팝스타5' 심사위원 점수 300점 만점으로 우승…안테나 뮤직 간다" [Lee Soo-jung wins 'K Pop Star 5' with a score of 300... goes to Antenna]. Chosun Biz (sa wikang Koreano). 11 Abril 2016. Nakuha noong 16 Hulyo 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. tenasia.hankyung.com, Digital (2021-08-03). "[최지예의 찐담화]유희열의 안테나, 100억 유재석·사옥 품고 종합엔터사 날개 | 텐아시아". 텐아시아 연예뉴스 (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "'K팝스타3' 기타소년 샘김, 3년 만에 데뷔..싱어송라이터로 성장 | 텐아시아". 2018-06-12. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 12, 2018. Nakuha noong 2023-08-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Hwang, Hye-jin (2016-06-03). "'K-Pop Star 4' Lee Jin-ah officially debuted after 2 years, released single 'Full' on the 10th".{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. 조인우. "'안테나' 권진아, 2년반만에 '웃긴 밤'으로 데뷔". entertain.naver.com (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-08-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "안테나 11인, '프로듀스101' 패러디…11일 V앱 방송". YTN star (sa wikang Koreano). 2017-08-11. Nakuha noong 2023-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. 21.0 21.1 "Antenna Music to Hold a Label Concert in September". sg.style.yahoo.com (sa wikang Ingles). 2016-07-28. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-08-04. Nakuha noong 2023-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Jeong, Yoo-jin (2016-09-19). "Yoo Hee-yeol "'K-Pop 5' winner Lee Soo-jung decided to start activities after graduating from college"".{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "정승환, 미니앨범 1집 '목소리' 공개...감성 넘치는 발라드 앨범". 한국경제 (sa wikang Koreano). 2016-11-29. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-08-07. Nakuha noong 2023-08-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. 24.0 24.1 "'안테나 엔젤스' 첫 콘서트 '우리, 시작' 오늘(16일)부터 4일간 개최". 서울경제 (sa wikang Koreano). 2017-03-16. Nakuha noong 2023-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. 25.0 25.1 서병기 (2017-09-07). "'하고싶은 음악'을 하니 점점 더 진화하는 '안테나'". 헤럴드경제 (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. tenasia.hankyung.com, Digital (2019-03-18). "재즈피아니스트·프로듀서 윤석철, 안테나와 전속계약 체결 | 텐아시아". 텐아시아 연예뉴스 (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. 스타뉴스 (2019-06-12). "'K팝스타5' 우승자 이수정, 19일 데뷔..CHAI로 활동(공식)". 스타뉴스 (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-08-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "안테나 음악가들 단체송 'Everything Is OK'…수익금 기부". www.newstomato.com. Nakuha noong 2023-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "적재, 안테나와 전속계약 체결…안테나 "적극 서포터 예정"[공식]". 스포츠조선 (sa wikang Kanuri). 2020-09-01. Nakuha noong 2023-08-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "서동환, 안테나와 전속계약…프로듀서 라인 보강". 스포츠동아 (sa wikang Koreano). 2020-11-30. Nakuha noong 2023-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "'우당탕탕 안테나' 유희열 "14년 만에 처음 단독 사옥 생겨, 다들 들떠있어"". 스포츠서울 (sa wikang Koreano). 2021-09-30. Nakuha noong 2023-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. No, Jung-dong (12 Mayo 2021). "카카오엔터, 유희열 회사 '안테나' 지분 19% 인수…"콘텐츠 협업"" [Kakao Entertainment acquires a 19% stake in Yoo Hee-yeol's "Antenna" company]. Hankyung (sa wikang Koreano). Nakuha noong 16 Hulyo 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Yim, Seung-hye (12 Mayo 2021). "Kakao Entertainment acquires shares of Antenna Music". Korea JoongAng Daily. Nakuha noong 16 Hulyo 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. 34.0 34.1 Park Joo-ho (Hulyo 14, 2021). "유재석, 유희열이 이끄는 안테나와 전속계약··· 非음악인 영입 처음" [Yoo Jae-suk, exclusive contract with Antenna led by Yoo Hee-yeol... First non-musician recruitment]. Naver (sa wikang Koreano). Seoul Economic Daily. Nakuha noong Hulyo 14, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Jung, Tae-gun (Agosto 17, 2021). "카카오엔터, 유재석도 품었다…유희열의 안테나 지분 100% 확보". Hankyung (sa wikang Koreano). Nakuha noong Agosto 17, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. 36.0 36.1 "'더듬이TV: 우당탕탕 안테나', 음악 장인→예능 어벤져스 변신 예고". stoo (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. Kim Soo-young (Nobyembre 17, 2021). "유재석 라인 탄 러블리즈 이미주, 안테나와 전속계약 [공식]" [Yoo Jae-seok, Line Tan Lovelyz's Mi-joo, exclusive contract with Antenna [Official]] (sa wikang Koreano). Hankyung. Nakuha noong Nobyembre 17, 2021 – sa pamamagitan ni/ng Naver.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. [MV] 다음 겨울에도 여기서 만나_유희열,유재석,정재형,루시드폴,페퍼톤스,박새별,샘김,이진아,권진아,정승환,윤석철,적재,이미주,서동환 (sa wikang Ingles), nakuha noong 2023-08-04{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. 입력: 2022.01.07 09:25 (2022-01-07). "[공식] 프로듀서 황현조, 안테나 합류". sports.khan.co.kr (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "안테나, 독립 예능 스튜디오 오픈…첫 콘텐츠는 유재석의 '핑계고'". stoo (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "안테나, 이상순과 전속계약 체결 "자유로운 활동 전폭지원"(공식)". 아이뉴스24 (sa wikang Koreano). 2022-11-21. Nakuha noong 2023-08-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "Lee Hyo-ri signs exclusive management contract with Antenna". koreajoongangdaily.joins.com (sa wikang Ingles). 2023-02-16. Nakuha noong 2023-08-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "유희열, 안테나 100억에 팔고 32억에 2대 주주 복귀". 노컷뉴스. 2023-06-11. Nakuha noong 2023-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. Jae-hee, Choi (2023-06-27). "Top comedian Yoo Jae-suk becomes Antenna Music's third-largest stakeholder". The Korea Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. [MV] drewboi _ Sunday (sa wikang Ingles), nakuha noong 2023-08-06{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. 46.0 46.1 "Antenna". antenna.co.kr (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-08-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "안테나 Antenna on Instagram: "#규현 때로는 감성적인 음악으로 때로는 유쾌한 웃음으로 다양한 분야에서 종횡무진 활동하는 규현이 안테나와 함께 하게 되었습니다. 우리가 만나 다양한 모습으로 채워갈 앞으로의 시간을 기대하며 두근거리는 마음으로 환영의 인사를 전합니다.🎉 Welcome Kyuhyun to the Antenna family! With sentimental music and delightful wit, he's excelled as an entertainer in various fields. Together, we'll paint the world with vibrant colors and create unforgettable moments. Join us on this thrilling journey with Kyuhyun! @gyuram88 @kyuhyun_official #KYUHYUN #Welcome"". Instagram (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. "슈퍼주니어 규현, SM 떠나 안테나와 전속 계약". news.jtbc.co.kr (sa wikang Koreano). 2023-08-07. Nakuha noong 2023-08-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. Kim, Hae-jin (Marso 18, 2019). "재즈피아니스트·프로듀서 윤석철, 안테나와 전속계약 체결" [Jazz pianist/producer Yun Seok-cheol signs exclusive contract with Antenna]. Hankyung (sa wikang Koreano). TenAsia. Nakuha noong Hulyo 18, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. Park, Ji-eun (Nobyembre 21, 2022). "'이효리♥' 이상순, 안테나와 전속계약…유재석과 한솥밥". Sports Chosun. Nakuha noong Disyembre 31, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. Hong, Hye-min (Pebrero 16, 2023). "이효리, 결국 이상순·유재석과 안테나 품으로" [Lee Hyo-ri, eventually with Lee Sang-soon and Yoo Jae-seok as an antenna] (sa wikang Koreano). Hankook Ilbo. Nakuha noong Pebrero 16, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Naver.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. Hwang Ji-young (Nobyembre 30, 2020). "'버클리 휴학생' 서동환, 안테나 전속계약" [Seo Dong Hwan joins Antenna label as producer line]. JoongAng Ilbo (sa wikang Koreano). Daily Sports. Nakuha noong Hulyo 14, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. Kim Young-woong (Enero 7, 2022). "'프로듀서 황현조, 안테나 합류" [Producer Hwang Hyeon-jo joins Antenna]. Sports Kyunghyang (sa wikang Koreano). Kyunghyang Shinmun. Nakuha noong Hulyo 19, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. "CHAI(이수정), 오늘(1일) 안테나와 계약 만료.."새로운 앞날 응원" (전문)[공식]". 조선일보 (sa wikang Koreano). 2021-05-01. Nakuha noong 2023-08-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. Miller, Kevin (2023-06-05). "Singer Jukjae Departs Antenna - JazmineMedia" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)