Anthony Michael Morelli (ipinanganak noong June 21, 1985 sa Pittsburgh, Pennsylvania) ay isang American football quarterback, na naglalaro sa kolehiyo para sa Penn State University. Siya ay nagmula sa Penn Hills Senior High School sa suburban ng Pittsburgh, siya ay inihanay bilang pangalawa sa pinakamagagaling na quarterback sa bansang Amerika at ibinilang sa USA Today Top 25 Supreme Team, at natatangi sa ibang mga manlalaro.

Anthony Morelli
Kapanganakan21 Hunyo 1985
  • (Allegheny County, Pennsylvania, Estados Unidos ng Amerika)
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
NagtaposPampamahalaang Unibersidad ng Pennsylvania
Trabahomanlalaro ng Amerikanong putbol

Kolehiyo

baguhin

Si Morelli ay naunang nangako na maglalaro para sa University of Pittsburgh noong August ng taong 2003 [1], gayun pa man ito ay kanyang kinansela at siya ay naglaro para sa Penn State.

Ang taon ni Morelli bilang junior sa Penn State ay nag-umpisa ng maganda: Siya ay naghagis ng 42-yard touchdown sa kanyang unang pasa bilang Nittany Lion starting quarterback para sa isang 34-16 na panalo laban sa University of Akron. Gayon man, siya ay nahirapan sa kanyang mga sumunod na laro, ito ay nag-umpisa sa kanilang 28-6 na pagkatalo laban sa kanilang karibal na Ohio State. Kalukob ng kalamangan sa Lions sa iskor na 14-6, si Morelli ay humagis ng dalawang huling interceptions na ibinalik ng Ohio para sa mga touchdowns, at epektibong winakasan ang kahit na anong pag-asa na humabol sa laro at pinagmukhang hindi patas ang laro. Tinapos ni Morelli ang laro na mayroon lamang 106 yards na passing. At dahil dito, ang paglalaro ni Morelli ay naging malaking isyu para sa mga tagahanga ng Nittany Lions. Ang iba sa mga tagahanga ay mas gustong paglaruin ang backup na si Daryll Clark, isang redshirt freshman na ang istilo ng laro ay katulad ng sa hinalinhan ni Morelli, si Michael Robinson. Ang iba sa mga tagahanga ay dinepensahan si Morelli, kanilang ipinunto ang halaga ng playing time na tipikal na kailangan upang mahubpg ang mga magagaling na quarterback. Sa katapusan ng season, si Morelli ay humagis ng 2,424 yards, 11 na touchdowns at 8 na interceptions. Kanyang kinuha ang ikatlong pwesto sa listahan ng Penn State's season passing yardage, kanyang sinundan sina Kerry Collins (1994) at Tony Sacca (1991). Bagamat siya ay may magandang statistics, si Morelli ay nagpahayag ng kanyang pagkadismaya sa likas na konserbatibong play calling ng Penn State sa isang interview sa Pittsburgh Tribune-Review noong 2006 ng November. [2][patay na link] Matapos na mahirapan ng buong season, nagawang patunayan ni Morelli ang kanyang sarili noong 2007 sa Outback Bowl laban sa Tennessee, kanyang pinamunuan ang Nittany Lions sa isang hindi inaasahang panalo.

baguhin