Anthony Taberna

Si Antonio Talens Taberna, Jr. mas kilala bilang Anthony Taberna o Ka Tunying (ipinanganak 16 Enero 1975) ay isang komentarista sa radyo at mamahayag na Pilipino.[1] Sa ABS-CBN, lumabas siya sa mga programang balita at ugnayang publiko. Isa siya sa mga punong-abala ng programang Umagang Kay Ganda (kung saan naging sikat siya sa "Punto por Punto" na bahagi ng programa) at XXX: Exklusibong, Explosibong, Exposé.[2] Bilang komenterista sa DZMM, si Taberna ang pangunahing tagapagbalita ng Dos Por Dos, isang palabas sa radyo tuwing umaga at hapon, kasama si Gerry Baja. Siya rin ang tagapagbalita ng Iba-Balita at Mano Mano sa Studio 23.

Anthony Taberna
Ka Tunying 1-18 screenshot.jpg
Kapanganakan (1975-01-16) Enero 16, 1975 (edad 46)
Nueva Ecija, Pilipinas
Katayuankasal
Ibang pangalanTunying, Ka Tonying
TrabahoMamahayag
AsawaRossel Velasco-Taberna
AnakZoey Taberna
Helga Taberna

Mga sanggunianBaguhin

  1. Cruz, Marinel (25 Hulyo 2009). "Point for point with Anthony Taberna". Philippine Daily Inquirer. Tinago mula sa orihinal noong 2009-08-31. Nakuha noong 2 Nobyembre 2010.
  2. "'XXX': Anthony Taberna exposes P3M scam". ABS-CBN News.com. 5 Hulyo 2010. Nakuha noong 2 Nobyembre 2010.