Panlaban ng katawan
(Idinirekta mula sa Antibody)
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Disyembre 2013) |
Ang panlaban ng katawan o pangontra ng katawan laban sa sakit (Ingles: antibody o "panlaban [ng katawan] laban sa [ibang] katawan"), tinatawag ding imyunoglobulina (may sagisag na Ig), ay isang protina sa dugong nabubuo at lumalabas bilang reaksiyon ng katawan laban sa sakit o upang malabanan ang lason na sanhi ng ibang klase ng sustansiya; katulad halimbawa na ng ilang mga protina at mga polisakarida (mga polysaccharide).[1] Isa ito sa ilang bilang ng mga sustansiyang nililikha ng katawan upang mapaglabanan ang ilang kilos, galaw, o aksiyon ng mapaminsalang mga mikrobyo.[2]
Sanggunian
baguhin- ↑ Gaboy, Luciano L. Antibody - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ "Antibody, Some Medical Terms, Diseases". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 206.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Soolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.