Panlaban ng katawan

(Idinirekta mula sa Antigens)

Ang panlaban ng katawan o pangontra ng katawan laban sa sakit (Ingles: antibody o "panlaban [ng katawan] laban sa [ibang] katawan"), tinatawag ding imyunoglobulina (may sagisag na Ig), ay isang protina sa dugong nabubuo at lumalabas bilang reaksiyon ng katawan laban sa sakit o upang malabanan ang lason na sanhi ng ibang klase ng sustansiya; katulad halimbawa na ng ilang mga protina at mga polisakarida (mga polysaccharide).[1] Isa ito sa ilang bilang ng mga sustansiyang nililikha ng katawan upang mapaglabanan ang ilang kilos, galaw, o aksiyon ng mapaminsalang mga mikrobyo.[2]

Sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Antibody - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Antibody, Some Medical Terms, Diseases". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 206.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Soolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.