Sa pisikang pampartikulo, ang antimaterya ang materyal na binubuo ng mga antipartikulo na may parehong masa sa mga partikulo ngunit may baliktad na karga at ikot. Ang mga antipartikulo ay nagkakawing sa bawat isa upang bumuo ng antimaterya sa parehong paraang ang mga normal na partikulo ay nagkakawing upang bumuo ng normal na materya. Halimbawa, ang isang positron(na antipartikulo ng electron) at isang antiproton ay maaaring bumuo ng isang atomonong antihidroheno. Sa karagdagan, ang paghahalo ng materya at antimaterya ay humahantong sa anihilasyon ng pareho sa parehong paraan na ang paghahalo ng mga antipartikulo at partikulo ay humahantong sa anihilasyon at kaya ay nagpapalitaw sa mga mataas na enerhiyang photon(mga sinag gamma) o ibang mga pares na partikulo-antipartikulo. Ang huling resulta ng pagtatagpo ng antimaterya at materya ay paglalabas ng enerhiyang proporsiyonal sa masa gaya ng ipinapakita ng ekwasyong E=mc2 .[1]

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.