Antipapa Felix II
Si Antipapa Felix II ay inilagay na Papa ng Simbahan ng Roma noong 355 pagkatapos na patalsikin ni Emperador Constantius II ang namumunong Obispo ng Roma na si Papa Liberius sa pagtanggi na lagdaan ang sentensiya ng pagkokondena laban kay Athanasius. Noong Mayo 357 CE, ang laiko ng Roma na nanatiling tapat kay Liberius ay humiling kay Constantius na dumalaw sa Roma na dapat ibalik sa posisyon si Liberius. Pinlano ng Emperador na magkasamang pamunuin sina Felix at liberius ngunit nang si Liberius ay bumalik, si Felix ay napwersang magretiro sa Porta malapit sa Roma kung saan pagkatapos na mabigong tangkaing ilagay muli ang kanyang sarili sa Roma ay namatay noong Nobyembre 22, 365 CE. .[1][2]