Ang antisikiyatriya (Ingles: anti-psychiatry o "laban sa sikiyatriya", "kontra sa sikiyatriya", "salungat sa sikiyatriya") ay isang bilang ng mga kilusang panlipunan at pampolitika. Ang isang kilusan ay nagsimula sa panahon ng Himagsikang Pranses ng 1789 at naimpluwensiyahan ng mga ideyal na romantiko. Ang isa pang kilusan ay nagsimula sa Alemanya noong dekada ng 1900. Ang pangatlong malaking kilusan ay nagsimula sa Mga Nagkakaisang Estado at Europa noong dekada ng 1960. Inusisa ng kilusang ito ang klasipikasyon ng schizophrenia bilang isang karamdamang pang-isipan, ang paglunas ng sakit na ito sa pamamagitan ng sikiyatriya, at ang pagbanggit sa tiyak na mga suliranin na nagaganap sa loob ng mga silid na pangsikatriya (mga psychiatric ward).

Isa sa mga tao na nakaimpluwensiya nang malaki sa kilusang nabuo noong dekada ng 1960 ay si Michel Foucault. Ang kaniyang aklat na Madness and Insanity: History of Madness in the Classical Age ay patungkol sa tanong hinggil sa kung saang punto o saan nagsimula ang kabaliwan.

Ang sikiyatrikong si David Cooper ng Timog Aprika ang unang gumamit ng salitang "anti-psychiatry". Una niya itong ginamit noong 1967.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. David Cooper, Psychiatry and Anti-Psychiatry, Paladin, London, 1967.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikiyatriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.