Antonio Maria Regidor
Si Antonio Ma. Regidor ay ipinanganak noong 16 Abril 1845. Siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas at dito nakamit ang katibayan ng pagiging doktor. Sa Central Madrid naman niya nakamit ang katibayan sa Derecho Civil at Cananico.
Antonio Ma. Regidor | |
---|---|
Kapanganakan | 16 Abril 1845 |
Kamatayan | 29 Disyembre 1910 |
Siya ay naging kalihim ng audencia at Piskal ng Artilyera at Inhinyeros at naging Consehal Sindinco at Ayuntamiento ng Maynila. Si Regidor ang nagpanukala ng pagkakaroon ng Unibersidad ng Pilipinas. Bilang isang manananggol, ipinagtagumpay niya ang usaping ipinagharap ng sakdal ng mga Kastila laban sa Gobernador Heneral na si Don Maria la Torre bilang isang mamamahayag, siya ay naging manunulat ng El Comersio at Diario de Manila sa sagisag na Luis V. Rances. Itinatag niya ang Assemblea Filipina na pinaglalathalaan ng panunuligsa sa mga prayle, at binatikos niya ana mga Kastila. Siya ay naging sugo upang makipag-ayos sa Pamahalaang Kastila at siya ay nakipagkita kay Don German Gamozo at tagumpay ang kanilang pakikipag-ayos. Noong 1872, ipinatapon siya sa Guam sa pag-aakalang siya ang nagpapalikos sa lihim na kilusan sa San Felipe, Cavite. Siya ay tumakas at napadpad sa Londres, Gran Britanya at doon nanirahan. Kinupkop ni Regidor si Rizal nang pinag-iinitan ito ng mga Kastila sa Pilipinas. Nagsikap siya na mailigtas si Rizal ng ito ay makulong sa isang sasakyan sa Hong Kong.
Maaring bisitahin
baguhinWalang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Disyembre 2013) |
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.