Si Antonio Pietro Zucchi (1726–1795) ay isang Italyanong pintor noong kapanahunang Neoklasiko. Ipinanganak siya sa Venice at namatay sa Roma. Pinakasalan niya ang tagapagpintang si Angelica Kauffmann, na sa kahulihan ng buhay, ay lumipat sa Roma na kasama ang kanyang asawa. Nakagawa siya ng ilang bilang ng mga lilok sa metal ng mga capriccio at mga veduta ng mga klasikal na gusali o mga guho. Nakasama niya sa larangan ng pagpipinta si Robert Adam sa pagpapalamuti ng mga palasyo sa Inglatera. Sa Inglatera, nahalal siya bilang isang kasama (associate sa Ingles) sa Royal na Akademya ng Pagpipinta at Paglililok noong 1770. Isa siyang estudyante ng mga pintor na sina Francesco Fontebasso at Jacopo Amigoni.

Larawan ng kanyang asawa na si Antonio Zucchi ni Angelica Kauffmann, 1781.

Mga sanggunian

baguhin
  • Farquhar, Maria (1855). Ralph Nicholson Wornum (pat.). Biographical catalogue of the principal Italian painters. Woodfall & Kinder, Angel Court, Skinner Street, London; isinadihital ng Googlebooks mula sa kopya ng Unibersidad ng Oxford noong Hunyo 27, 2006.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya at Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.