Antropolohiyang pangkultura

(Idinirekta mula sa Antropolohiyang kultural)

Ang antropolohiyang pangkultura o antropolohiyang pangkalinangan (Ingles: cultural anthropology) ay isang sangay ng antropolohiya na nakatuon sa pag-aaral ng kasamu't sariang pangkultura sa mga tao, na nagtitipon ng mga dato hinggil sa epekto ng pangglobong mga proseso na pang-ekonomiya at pampolitika sa lokal na mga katotohanang pangkultura. Gumagamit ang mga antropologo ng mga paraan, kabilang na ang obserbasyon ng partisipante (pagmamasid ng kalahok), mga panayam, at mga surbey na pang-estadistika. Ang kanilang pananaliksik ay kadalasang tinatawag na gawaing panlarangan dahil kinasasangkutan ito ng paglalagi ng mga antropologo nang matagalan sa lugar ng pananaliksik.[1]

Konsepto ng Kultura

baguhin

Ang isa sa mga pinakaunang artikulasyon ng antropolohikal na kahulugan ng terminong "kultura" ay nagmula kay Ginoong Edward Tylor, na matatagpuan sa unang pahina ng kanyang aklat noong 1871. Ayon kay Tylor, "ang kultura, o sibilisasyon, na kinuha sa malawak at etnograpikong perspektibo, ay tumutukoy sa kumplikadong hanay ng mga kaalaman, paniniwala, sining, moralidad, batas, kaugalian, at iba pang kakayahan at gawi na nakamit ng isang tao bilang kasapi ng lipunan.". Ang terminong "sibilisasyon" ay nagbigay-lalim sa mga kahulugang inilatag ni V. Gordon Childe, kung saan naging malawak ang saklaw ng kultura — kabilang na sa mga ito ang konsepto ng sibilisasyon. Ayon kay Kay Milton, dating direktor ng pananaliksik sa antropolohiya sa Queens University Belfast, ang kultura ay maaaring maging pangkalahatan o tiyak. Ito ay maaaring pumatungkol sa mayorya ng sangkatauhan o sa partikular na pangkat etniko gaya ng kulturang African American o Irish American. Ang mga partikular na kultura tulad ng nabanggit ay nagtataglay ng nakabalangkas na sistema. Nangangahulugan ito na ang sistema ay tiyak na nakaayos at ang pagdaragdag o pagtanggal ng anumang elemento mula dito ay maaaring magdulot ng negatibong epekto.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Johnson, Christopher. Claude Levi-Strauss: the formative years, Cambridge University Press, 2003, p. 31


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Antropolohiya at Kalinangan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.