Antropolohiyang pang-ekonomiya
Ang antropolohiyang ekonomiko o antropolohiyang pang-ekonomiya (Ingles: economic anthropology) ay isang larangang pang-iskolar na nagtatangkang maipaliwanag ang ugaling pang-ekonomiya ng tao, na gumagamit ng mga kasangkapan na kapwa pang-ekonomiya at pang-antropolohiya. Isinasagawa ito ng mga antropologo at mayroong isang masalimuot na ugnayan sa ekonomiks. Mayroong tatlong pangunahing paradigmo sa loob ng antropolohiyang pang-ekonomiya: ang pormalismo, ang substantibismo, at ang kulturalismo.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Antropolohiya at Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.