Antropolohiyang porensiko

Paglalapat ng agham sa antropolohiya sa tagpuang pambatas

Ang antropolohiyang pamporensiko (Ingles: forensic anthropology) ay ang paglalapat ng agham ng antropolohiyang pisikal at osteolohiyang pantao sa isang tagpuang pambatas, karaniwan pang mga kasong pangkrimen kung saan ang mga labi ng biktima ay nasa masulong nang mga kalagayan ng pagkaagnas o pagkabulok. Ang antropologong pamporensiko ay makakatulong sa pagkilala ng mga indibiduwal na namatay na ang mga bangkay ay naagnas, nabulok, nasunog, naluray, napilas o hindi na makilala. Ang pang-uring "porensiko" ay tumutukoy sa paglalapat o paggamit ng kabahaging larangan na ito ng agham sa isang hukuman ng batas.

Tingnan din baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Antropolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.