Apango
Ang Apango ay isang nayon (isang bayan sa Martir ng Cuilapan o Mártir de Cuilapán) na nasa Mehikanong estado ng Guerrero. Matatagpuan ito sa gitnang rehiyon ng estado, na 35 km ang layo mula sa kabiserang pang-estadong Chilpancingo Bravo.
Demograpiya
baguhinAyon sa Pambansang Instituto ng Estadistika, Heograpiya at Pagpoproseso ng mga Datos, mayroon itong bilang ng populasyong at kabahayang 3,987[1] katao noong 2005, na 1,870 ang mga kalalakihan at 2,111 naman ang mga kababaihan.
Lugar ng interes
baguhinMaraming mga moog o monumento sa Apango katulad ng mga guhong nagsisilbing daluyan ng tubig katulad ng mga guho ng Apantle sa Nahuatl, at matatagpuan sa mas katimugang bahagi ng pook.
Kabilang sa iba ang templo ng San Francisco ng Assisi (San Francisco de Asis), na binuo noong mga kalagitnaan ng ikalabimpitong daantaon, ngunit nawasak na ang karamihan sa mga larawan bagaman mayroon isang kapilya naglalaman ng ilan pang mga larawang nakapreserba at napananatili. Isa ring mahalagang puntahang lugar ang isang tulay (may mga sira ngunit balak na muling ipaayos ng alkalde). May alamat na nagsasaad na naitayo ang tulay noong 1910 sa pamamagitan ng paglalaman ng dugo.
Heograpiya
baguhinIsa itong nayong may 1,105 metro sa ibabaw ng dagat at sa may layong 130 km mula sa daungan ng Acapulco. Matatagpuan ito 20 km mula sa lungsod ng Tixtla. Sa may gawing bungad, dumadaloy ang isang ilog sa may mababang-paaralang Encarnacion Federico Astudillo, sa kasalukuyan walang tubig ang ilog sapagkat tumatakbo lamang ang tubig kapag tag-ulan. Nasira ang tulay dahil sa isang pangkasalukuyang sa ilog, na nakawasak sa isang bahagi paanan o base nito. Kung pinapayagan ang pagdaan ng mga sasakyan, hindi na iiral ang anumang tulay sa nayon.
Sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mehiko at Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.