Apendisitis
Ang apendisitis (Ingles: appendicitis) ay ang sakit na kinatatangian ng pamamaga dahil sa impeksiyon ng apendiks (apendise, na appendix sa Ingles), na isang bahagi ng bituka ng tao. Dahil sa pamamaga at impeksiyon, karaniwang kailangang sumailalim sa isang operasyon o siruhiyang tinatawag na apendektomiya ang isang tao, kung saan tinatanggal ang apendiks. Bagaman may katungkulan ang apendiks na kaugnay ng sistemang imyuno, maaaring alisin ang naimpeksiyong apendiks sapagkat magagawa ng sistemang imyuno ang tungkulin ng apendiks kahit natanggal na ito mula sa katawan ng tao.[1]
Apendisitis | |
---|---|
Isang apendiks na malubha ang pamamaga at paglaki, na hiniwa nang pahaba. | |
Espesyalidad | General surgery |
Dahilan ng apendisitis
baguhinSa kasalukuyan, walang katiyakan kung ano ang sanhi ng apendisitis. Ngunit may katiyakan na ito ay hindi isang namamanang kalagayan, walang kaugnayan sa salinlahi, at hindi ito nakakahawa.[1]
Mga sintomas ng apendisitis
baguhinKabilang sa mga sintomas ng apendisitis ang pananakit ng tiyan mula sa gitna, na nasa may itaas na bahagi ng puson. Ang hapding ito ay gumagapang patungon sa kanang bahagi ng tiyan at pati na sa pang-ibabang bahagi ng tiyan, partikular na sa may kanan ng puson). Ito ang karaniwang paglalarawan ng pananakit na ito dahil sa pamamaga ng apendiks, subalit maaaring maging ibang bahagi ng tiyan ang maapektuhan ng sakit. Bukod sa pananakit ng tiyan, ang taong apektado ng apendisitis ay maaari ring makadama ng kawalan ng ganang kumain, pagsusuka, pagkaliyo, pagtatae (pagtitibi), at panghihina (pagkakalos).[1]
Katangian ng hapdi
baguhinAng pananakit, na karaniwang inilalarawan ng apektadong tao bilang napakasakit, napakahapdi, o napakakirot. Ang pananakit ay karaniwang lumalampas nang mahigit sa 24 na mga oras, at hindi naiibsan o hindi natatanggal kahit uminom ng gamot na pantanggal ng pananakit.[1]
Pagtiyak sa apendisitis
baguhinAng manggagamot ang makakatiyak ng pagkakaroon ng apendisitis ng isang pasyente. Magsasagawa ang duktor ng pagsusuri sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa pasyente, pag-eksamin ng tiyan, magpasagawa ng mga eksaminasyong panglaboratoryo (kabilang ang kumpletong pagbilang ng dugo o complete blood count, dinadaglat bilang CBC, at pagsusuri ng ihi o urinalysis).[1]
Lunas
baguhinAng apendisitis ay malulunasan sa pamamagitan ng siruhiya, kung saan tinatanggal ang apendiks na naimpeksiyon. Isinasagawa ito upang huwag kumalat sa ibang mga bahagi ng bituka ang impeksiyon. Ang siruhiya ang makapipigil sa pagkasira ng bituka at makaiiwas sa maaaring maging pagkamatay ng taong nagkaapendisitis.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 APPENDICITIS Naka-arkibo 2012-06-01 sa Wayback Machine. ([1],KALUSUGAN PH