Kabundukang Apenino
Ang Apeninos, mga Apenino, o Kabundukang Apenino ( /ˈæpənaɪn/: Griyego: Ἀπέννινα ὄρη o νινον ὄρος;[1] Latin: Appenninus o Apenninus Mons – isang isahan na may maramihan na kahulugan;[note 1] Italyano: Appennini [appenˈniːni])[2] ay isang bulubunduking binubuo ng mga hilera na mas maliit na mga tanikala na umaabot sa c. 1,200 km (750 mi) sahaba ng Tangway ng Italya. Sa hilagang-kanluran sumali sila sa mga Alpes Ligures sa Altare. Sa timog-kanluran nagtatapos ito sa Reggio di Calabria, ang baybaying lungsod sa dulo ng tangway. Mula noong 2000, ang Ministro ng Kapaligiran ng Italya, kasunod sa mga rekomendasyon ng Proyektong Liwasang Apeninos ng Europa, ay tinukoy ang Sistemang Apenino bilang kasama ang mga bundok ng hilagang Sicilia, na may isang kabuuang distansiya na 1,500 kilometro (930 mi). Bumubuo ang sistema ng isang arkong nakapaloob sa silangang bahagi ng Dagat Liguria at Dagat Tireno.
Kabundukang Apenino | |
---|---|
Pinakamataas na punto | |
Kataasan | 2,912 m (9,554 tal) |
Mga koordinado | 42°28′9″N 13°33′57″E / 42.46917°N 13.56583°E |
Pagpapangalan | |
Katutubong pangalan | Monti Appennini Error {{native name checker}}: parameter value is malformed (help) |
Heolohiya | |
Edad ng bato | Mesozoic na pagbuo ng bato, Neoheno-Kuwaternaryo para sa orogeny |
Mga sanggunian
baguhin
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "note", pero walang nakitang <references group="note"/>
tag para rito); $2