Si Apepi (o Ipepi o Apophis at may mga pangalang maharlik na Neb-khepesh-Re, A-qenen-Re at A-user-Re) ang pinuno ng Mababang Ehipto ng Ikalabinglimang Dinastiya ng Ehipto at sa wakas ng Ikalawang Pagitang Panahon na pinanaigan ng dayuhang dinastiya ng mga pinunong Hyksos. Ayon sa Kanon na Turin, siya ay naghari sa hilagang bahagi ng Ehipto sa loob ng 40 taon[1] at naghari sa simulang kahalati ng ika-16 siglo BCE kung nahigitan niya sa buhay ang kanyang katunggali sa timog na si Kamose ngunit hindi si Ahmose I.[2] Siya ay nakipagkalakalan ng mapayapa sa katutubong Theban na Ikalabingpitong Dinastiya ng Ehipto.[2] Kalaunang nakontrol ng Ikalabingpitong Dinastiya ng Ehipto ang Itaas na Ehipto at ang Hyksos ay napatalsik sa Ehipto ng hindi higit sa 15 taon pagkatapos ng kamatayan ni Apepi.[3]

Isang balaraw na may mga pangalang Neb-Khepesh-Re Apepi.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Nicolas Grimal, A History of Ancient Egypt. Librairie Arthéme Fayard, 1988, p.189.
  2. 2.0 2.1 Grimal, p.189
  3. Grimal, p.194