Ang Apocynum, na karaniwang nakikilala sa Ingles bilang dogbane at Indian hemp (literal na "abaka ng India"), ay isang genus ng pamilya ng halaman na Apocynaceae na mayroong pitong mga espesye. Ang pangalan nito ay mula sa Griyegong apo ("malayo") at cyno ("aso"),[2] na dahil sa pagkanakalalason nito. Ang genus ay lumilitaw sa may katamtamang klima ng Hilagang Hemispero, maliban na lamang sa kanlurang Europa. Kahawig ito ng milkweed ("damong gatas").

Apocynum
Apocynum androsaemifolium
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
(walang ranggo):
(walang ranggo):
(walang ranggo):
Orden:
Pamilya:
Sari:
Apocynum

Mga espesye

Tingnan ang teksto.

Kasingkahulugan [1]
  • Apocynastrum Heist. ex Fabr.
  • Cynopaema Lunell
  • Poacynum Baill.
  • Trachomitum Woodson

Ang mga espesyeng Apocynum ay ginagamit na pagkaing halaman ng mga larba ng ilang mga espesye ng Lepidoptera, kasama na ang gamu-gamong daga (mouse moth) at ng paru-parong reyna (queen butterfly).

Ilang mga espesye

Mga gamit

baguhin

Ang Apocynum cannabinum ay dating ginagamit bilang napagkukunan ng hibla ng mga Katutubong Amerikano. Ang Apocynum venetum (Tsino: 羅布麻) ay ginagamit na tsaang yerba sa Tsina.[3] Ang dogbane ay naglalaman ng cymarin, isang ahenteng kardiyo-toniko na ginagamit sa paggamot ng mga cardiac arrhythmia sa tao.[4]

Mga sanggunian

baguhin

Talababa

baguhin
  1. "World Checklist of Selected Plant Families". Nakuha noong Mayo 21, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Colorado Plant Database". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-27. Nakuha noong 2014-08-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. NCBI
  4. PubChem

Iba pa

baguhin

Mga kawing na panlabas

baguhin