Appare Jipangu!

(Idinirekta mula sa Appare Jipangu)

Ang Appare Jipangu! (天晴じぱんぐ!) ay isang seryang manga na ginawa ni Yuu Watase. Ang tagpuan ng kuwento ay mula sa panahon ng Edo sa bansang Hapon. Ang istorya ay tungkol kay Yusura, na bilang sanggol, ay natagpuan sa isang puno ng seresa na may "Kongoumaru" (isang baston na nagiging bughaw kapag ang mga tao ay malungkot) sa gilid niya. Ngayon, labinglimang taong nakalipas, si Yusura ay naging "hikeshiya" (o "tagapatay ng kalungkutan") at ginagamit ng Kongoumaru para 'sipsipin' ang mga kalungkutan ng mga tao at gantihan ang mga tao na nagdulot ng kalungkutan.

Paglalathala

baguhin

Nailathala ang serye sa Espanya ng Glénat España bilang ¡Viva Japón!.[1] Isang bersyong Pranses ang nailathala ng Editions Tonkam, subalit ipinatili ang pamagat na Appare Jipangu![2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Viva Japón 01 - Shojo Manga - Manga - Ediciones Glénat" (sa wikang Kastila). Glénat España. Nakuha noong 2013-02-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Appare Jipangu - Manga - Editions Tonkam" (sa wikang Pranses). Editions Tonkam. Nakuha noong 2013-02-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]