Si Apries (Sinaunang Griyego: Ἁπρίης) ang pangalan na ginamit ni [Herodotus]] (ii. 161) at Diodorus Siculus (i. 68) kay Wahibre Haaibre na isang paraon ng Sinaunang Ehipto ng Ikadalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto.[2] Siya ay tinawag na Hophra sa Aklat ni Jeremias 44:30.[3] Namana ni Apries ang trono sa kanyang amang si Psamtik II noong Pebrero 589 BCE.[1] Itinayo ni Apries ang dagdag sa mga templo sa Athribis (Tell Atrib), Bahariya Oasis, Memphis, Ehipto, at Sais, Ehipto."[4] Sa kanyang ikaapat na taon ng paghahari, ang kanyang kapatid na babae na si Ankhnesneferibre ay ginawang bagong asawa ng Diyos na si Amun sa Thebes, Ehipto.[4] Sa kanyang pamumno, nagkaroon ng mga panloob na problema, Noong 588 BCE, pinadala ni Apries ang isanng puwersa sa Herusalem upang protektahan ito mula sa mga puwersa ng Imperyong Neo-Babilonya na ipinadala ni Nabucodonosor II ayon sa Aklat ni Jeremias 37:5; 34:21). Umurong ang kanyang mga puwersa na umiwas sa komprontasyon sa mga Babilonyo.[5] Ang Kaharian ng Juda ay winasak ng Imperyong Neo-Babilonya noong 587/586 BCE. Tinangka ni Apries na manghimasok sa politika ng Kaharian ng Juda ngunit nabigo ito na sinundan ng pag-aalsa ng mga sundalo sa mahalagang stratehikong Aswan garrison.[1][5]

Mga sanggunianBaguhin

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Clayton, Peter A. (2006). Chronicle of the Pharaohs: The Reign-by-Reign Record of the Rulers and Dynasties of Ancient Egypt (ika-Paperback (na) edisyon). Thames & Hudson. pa. 195–197. ISBN 0-500-28628-0.
  2.   Chisholm, Hugh, pat. (1911). "Apries" . Encyclopædia Britannica. Bol. 2 (ika-11th (na) edisyon). Cambridge University Press. pa. 230. {{cite ensiklopedya}}: May mga blangkong unknown parameters ang cite: |HIDE_PARAMETER15=, |HIDE_PARAMETER13=, |HIDE_PARAMETER14c=, |HIDE_PARAMETER14=, |HIDE_PARAMETER9=, |HIDE_PARAMETER3=, |HIDE_PARAMETER1=, |HIDE_PARAMETER4=, |HIDE_PARAMETER2=, |HIDE_PARAMETER8=, |HIDE_PARAMETER5=, |HIDE_PARAMETER7=, |HIDE_PARAMETER10=, |separator=, |HIDE_PARAMETER14b=, |HIDE_PARAMETER6=, |HIDE_PARAMETER11=, at |HIDE_PARAMETER12= (tulong)
  3. Cf. Theis, Christoffer (2011). "Sollte Re sich schämen? Eine subliminale Bedeutung von עפרח in Jeremia 44,30". Ugarit-Forschungen (sa wikang Aleman). 42: 677–691. ISSN 0342-2356 for the writing of this particular name.
  4. 4.0 4.1 Shaw, Ian; Nicholson, Paul (1995). The Dictionary of Ancient Egypt. Harry N. Abrams. pa. 36–37. ISBN 0-8109-3225-3.
  5. 5.0 5.1 Miller, J. Maxwell; Hayes, John H. (1986). A History of Ancient Israel and Judah (ika-Hardback (na) edisyon). Westminster Press. pa. 414. ISBN 0-664-21262-X.