Apurahang pagtatalik
Ang apurahang pagtatalik, paspasang pagtatalik, mabilisang pagtatalik, o madaliang pagtatalik, na kilala sa Ingles bilang quickie, ay ang isang dagliang yugto o pabugsong episodyo ng gawaing pampagtatalik, na matatapos ito ng magkatalik sa loob ng napaka maiksing panahon lamang. Sa pangkalahatan, ipinakakahulugan ng kataga na nilagtawan ang paglalaro o pagroromansa bago magtalik, at mayroon lamang kahit na isa sa magkatalik na nakararating sa sukdulan. Ang minadaling pagtatalik ay maaaring kasangkutan ng pagtatalik o maaaring nakatuon lamang sa pagsasalsal o pagtatalik na pambibig.[1] Ayon sa ilan, ang inapurang pagtatalik sa pagitan ng magkaparehang heteroseksuwal ay pangkalahatang nakapagbibigay-kasiyahan lamang sa pagnanais o pagnanasa ng lalaki;[1]; mayroon namang mga nagsasaad na ang mga mabilisang pagtatalik (may pagtatalik o iba pang uri ng estimulasyon ng bulba) ay maaaring isang pangunahing pampaganang seksuwal para sa isang babae rin, subalit maaaring hindi pa rin makapagbigay sa isang babae ng sapat na panahon upang likas na makalikha ng pagdulas ng kanyang organong pangpagtatalik, kung kaya't kailangan ng paggamit ng isang artipisyal na pampadulas na tubig ang pangunahing banto o sapin.[2] May ilan na tumuturing sa mga mabilisang pagtatalik bilang isang katugunan o solusyon sa hindi patas na pagnanais sa loob ng isang pakikipag-ugnayan, subalit kapag ang mga ito lamang ang magiging nag-iisang uri ng pagtatalik, maaaring magdusa ang relasyon.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 William Cutrer (2007). Sexual Intimacy in Marriage. Sandra Glahn. Kregel Publications. ISBN 0825424372.
- ↑ Hilda Hutcherson (2006). Pleasure: A Woman's Guide to Getting the Sex You Need, Want, and Deserve. Perigee. ISBN 0399532862.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.