Arabesko
Sa ballet at sa iba pang anyo ng sayaw, ang arabesko (sa Ingles: arabesque) ay isang posisyon kung saan ang katawan ay suportado ng isang binti, kasabay ng pag-angat ng kabilang binti na naka diretso sa likod ng katawan. Ang nakatayong binti ay pwedeng tuwid o naka plie pero ang binti na nasa likod ay dapat palaging naka tuwid. Ang arabesko ay maaring makita sa halos lahat ng aspeto ng ballet parehong kontemporaryo at klasikal, pati na rin sa ibang anyo ng sayaw. Maaaring magawa ang arabesko nang ang binti ay nasa likod ay nakatapak sa lupa o nakataas.
Ang ginagamit na binti ay maaring paturo sa lapag kapag isinasagawa ang tendu o kaya naman pwede ring nakataas. Ang karaniwang anggulo ng binti kapag itinataas ay 40 at 90 antas. Kapag ang anggulo ay mas mataas pa sa 90 antas at ang katawaan ay pasulong upang mabalanse ang ginagamit na binti, ito ay tinatawag na arabesque penche. Ang mga kamay ay pwede sa lahat ng posisyon. Mayroong apat na pangunahing arabesko na posisyon sa paraan ng vaganova. Nandirito ang mga paraan na ito para sa mga mananayaw na kinakaharap ang permanenteng punto ng vaganova sa entablado (ito ay ang posisyon ng mananayaw na nakaharap sa kaliwang bahayagi ng entablado). Kapag sa klase, kailangan ang mga kamay ay naka-posisyon kapantay ng mga balikat, ngunit habang nagtatanghal, ang kamay na nasa harap ay maaring umangat. Ang siko naman ay laging nakaturo pababa.