Araling pang-jazz at bagong midya

(Idinirekta mula sa Araling jazz at bagong media)

Ang araling pangjazz at pangmidyang kontemporaryo o araling pangjazz at pangmidyang bago (Ingles: jazz studies and contemporary media, jazz studies and new media) ay isang uri ng aralin o larangan na nagbibigay sa mga mag-aaral ng musikang jazz at ng midya na pangmusikang kontemporaryo ng komprehensibong kurikulum na pangjazz na sumasakop sa pangnakaraan, pangkasalukuyan, at hinaharap ng uri at mga tradisyon ng tugtuging ito. Bilang ganito, inihahanda ng araling ito ang mga estudyante para sa kanilang magiging gampanin sa pagtatanghal sa madla, sa midya, at sa edukasyon.[1]

Programa

baguhin

Ang programa na pang-araling pangjazz ay maaaring magturo ng improbisasyon sa jazz na may pagbibigay ng diin sa pagiging malikhain ng isang taong musikero at ng pakikisalamuhang pampangkat na kasapi sa isang maliit na pagtatanghal na pampangkat na maliit. Nagbibigay ito ng pagkatuto sa mag-aaral kung paano magpahayag ng sariling gawi sa pagtugtog sa pamamagitan ng maraming mga kaparaanan ng pagtugtog ng tugtuging jazz sa pamamagitan ng programa ng pagsasanay na pampandinig, pagsusuri at pag-aaral ng kasaysayan ng jazz. Ang programa ay maaaring kasangkutan ng pag-eeksperimento sa pagtugtog at pagiging bihasa at dalubhasa sa mga tradisyon ng jazz hinggil sa mga pormang pangtono, teknikong pang-instrumentong pangmusika, pagpapahayag ng musikang jazz, at kung paano gumanap bilang isang manunugtog sa sari-saring mga tagpuang pangmusika, na makapaghahantong sa mga estudyante upang maging isang prupesyunal na manunugtog ng jazz. Nagtuturo rin ang araling ito kung paano gumawa ng kumposisyong pangmusika na pangmusikang jazz.[2]

Ang programa na para sa araling pangjazz at pangmidyang bago ay idinisenyo para sa pagkakaroon ng karera ng isang mag-aaral sa larangan ng jazz at kaugnay pang mga larangan na pangmusikang kontemporaryo (hinggil sa iba pang mga uri ng musika na kasabayan ng musikang jazz). Ginagawa ito sa pamamagitan ng madalas na mga pag-eensayo, mga pagtatanghal na pangmusikang jazz, pangkokonsiyerto, at pagdalo sa mga workshop na pangjazz. Kabilang din sa programa ang pagkakaroon ng mga leksiyong pribado, teoriyang pangjazz, pag-aareglo o pag-aayos ng musikang pangjazz, kumposisyong pangjazz, kasasayan ng jazz, at kasanayang pampagtitipa na pangjazz, musikang elektroniko, pagrerekord na dihital, pamamatnugot na pangmusikang jazz (pag-eedit ng musikang jazz), teknolohiya sa pagpapalakas o pagpapainam ng tunog, negosyong pangmusika, musikang etniko, at musikang pandaigdig.[3]

Pilosopiya

baguhin

Nilalayon ng aralin ito na mapaunlad ang natatanging talento ng malikhaing artistang pangmusikang jazz, pati na ang mga kasanayan na kailangan ng isang musikero upang makaaangkop ang musikero sa anumang mga katayuan.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. JAZZ STUDIES AND CONTEMPORARY MEDIA at The Eastman experience as a Jazz Studies and Contemporary Media student Naka-arkibo 2012-11-30 sa Wayback Machine., Eastman School of Music, Unibersidad ng Rochester.
  2. Jazz Studies, New England Conservatory.
  3. 3.0 3.1 The Jazz Studies Program, University of Cincinnati College-Conservatory of Music.