Agham na pangmilitar

(Idinirekta mula sa Araling pangmilitar)

Ang agham na pangmilitar (Ingles: military science) ay ang pagsasalin ng pambansang patakaran na pampagtatanggol upang makalikha ng kakayahang pangmilitar sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga tauhang katulad ng mga siyentipikong pangmilitar, kasama na ang mga teorista, mga mananaliksik, mga siyentipikong pang-eksperimento, mga siyentipikong naglalapat, mga tagapagdisenyo, mga inhinyero, mga teknisyang nagsusulit, at mga tauhang militar na may pananagutan sa pagpoprototipo. Sa pagsasagawa nito, naglalayon ang siyensiyang pangmilitar na maunawaan ang patakaran kung anong mga kasanayang pangmilitar ang kinakailangan, na sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga diwang pangmilitar at mga kaparaanang pangmilitar ay makakagamit ng mga teknolohiyang pangmilitar, mga sistema ng sandatang pangmilitar, at iba pang kagamitang pangmilitar upang makagawa ng kinakailangang kakayahang pangmilitar.

Kinasasangkutan ang agham na pangmilitar ng paglikha ng mga teoriya, mga konsepto, mga metodo at mga sistemang mailalapat o magagamit sa mga tungkulin at mga gawain ng mga sandatahang lakas, na karaniwang isinasagawa upang mapataas ang pangkalahatang kakayahang pangmilitar sa pamamagitan ng pagpapataas ng kahusayan, pagkamabisa at kapayakan ng masalimuot na mga diwa, mga kaparaanan, at mga sistemang ginagamit sa mga operasyong pangmilitar sa panahon ng kapayapaan at habang mayroong digmaan. Ang agham na pangmilitar ay ang pamamaraan kung saan nagkakamit ang tauhang militar ng teknolohiyang pangmilitar, mga sandata, kagamitan at kasanayan upang kasiya-siyang makapagbigay ng kakayahang pangmilitar ayon sa pangangailangan ng pambansang patakaran sa pagtatanggol upang makapagkamit ng tiyak na mga layuning pang-estratehiya. Ginagamit din ang agham na pangmilitar upang makapagtatag ng kakayahang pangkaaway bilang bahagi ng intelihensiiyang teknikal.

Sa kasaysayang pangmilitar, ang agham na pangmilitar ay ginamit noong panahon ng Rebolusyong Pang-industriya bilang isang pangkalahatang kataga na tumutukoy sa lahat ng mga bagay-bagay na may kaugnayan sa teoriyang pangmilitar at paglalapat ng teknolohiya bilang isang nag-iisang disiplinang pang-akademiya, kasama na ang pagpapadala at paghirang ng mga tropa sa panahon ng kapayapaan o kaya ng digmaan.

Sa edukasyong pangmilitar, ang agham na pangmilitar ay kadalasang ginagamit na pangalan o katawagan sa kagawaran na nasa loob ng institusyon ng edukasyon na nangangasiwa sa edukasyon ng kandidato sa pagiging opisyal ng militar. Subalit, ang edukasyong ito ay karaniwang tumutuon sa pagsasanay sa pagkapinuno ng opisyal at saligang kabatiran hinggil sa paggamit ng mga teoriya, mga konsepto, mga metodo at mga sistemang pangmilitar; at ang mga mga nagsipagtapos ng pag-aaral ay hindi mga siyentipikong militar kapag nakumpleto na ang mga pag-aaral, sa halip sila ay mga nakababatang mga opisyal na pangmilitar.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Militar at Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.