Araling pangsining

Ang araling pangsining o aralin (Ingles: study, art study) lamang ay ang paksang pinag-aaralan sa sining, na maaaring isang larawang nakaguhit (krokis o drowing), banghay ng larawan (sketch) o dibuho (larawang nakapinta) na ginawa bilang paghahanda para sa isang pirasong tapos o buo na, o bilang mga tala na pampaningin. Ang araling pangsining ay maaaring maging maging mas matuon kaysa sa isang talagang binalak na akda, dahil sa sariwang mga kabatiran na nakakamit ng alagad ng sining hapang pinag-aaralan ang kaniyang paksa. Nakapagbigay ng sigla ang mga araling pangsining sa ilan sa mga sining na pangkonsepto ng ika-20 daantaon, kung saan ang sarili ng prosesong mapanlikha ay nagiging paksa ng piraso ng sining.

Ang aralin ni Leonardo da Vinci hinggil sa mga embriyo, c. 1510-1513, ginamitan ng panulat na may tinta sa ibabaw ng pulang yeso, may sukat na 12" x 8" (30.5 cm × 20 cm), nasa Aklatang Maharlika ng Kastilyo ng Windsor.

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.