Araling tradisyong-pambayan

Ang mga araling tradisyong-pambayan, na kilala rin bilang folkloristika, at paminsan-minsan ang mga pag-aaral sa tradisyon o mga pag-aaral sa tradisyong-buhay sa Nagkakaisang Kaharian,[1] ay ang sangay ng antropolohiya na nakatuon sa pag-aaral ng alamat. Ang terminong ito, kasama ang mga kasingkahulugan nito,[note 1] ay nakakuha ng katanyagan noong dekada 1950 upang makilala ang akademikong pag-aaral ng tradisyonal na kultura mula sa mga artepakto ng tradisyong-pambayan mismo. Ito ay naging isang larangan sa buong Europa at Hilagang Amerika, na nakikipag-ugnayan sa Volkskunde (Aleman), folkeminner (Noruwego), at folkminnen (Suweko), bukod sa iba pa.[5]

Harapang pabalat ng Folklore: "Nawala ang kaniyang sombrero: Judith Philips na nakasakay sa isang lalaki", mula sa: The Brideling, Sadling, and Ryding, ng isang mayamang Churle sa Hampshire (1595)

Pangkalahatang-tanaw

baguhin

Ang kahalagahan ng tradisyong-pambayan at ang pag-aaral nito ay kinilala sa buong mundo noong 1982 sa dokumentong UNESCO "Mungkahi sa Pangangalaga ng Tradisyonal na Kultura at Tradisyong-pambayan".[6] Naglathala muli ang UNESCO muli noong 2003 ng isang Kumbensiyon para sa Pangangalaga ng 'Di-nahahawakang Pamanang Pangkalinangan. Kaayon ng mga pandaigdigang pahayag na ito, ang Batas Pangangalaga ng Tradisyong-pambayang Amerikano (PL 94-201),[7] na ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos kasabay ng Bisentenaryo noong 1976, ay may kasamang kahulugan ng tradisyong-pambayan, na tinatawag ding buhay-pambayan:

". . . Ang ibig sabihin ng [Buhay-pambayan] ay ang tradisyonal na nagpapahayag na kultura na ibinabahagi sa loob ng iba't ibang grupo sa Estados Unidos: pampamilya, etniko, trabaho, relihiyon, rehiyon; ang kulturang nagpapahayag ay kinabibilangan ng malawak na hanay ng mga malikhain at simbolikong anyo tulad ng kaugalian, paniniwala, teknikal na kasanayan, wika, panitikan, sining, arkitektura, musika, dula, sayaw, dula, ritwal, pageantry, yaring-kamay; ang mga ekspresyong ito ay pangunahing natututuhan sa pasalita, sa pamamagitan ng imitasyon, o sa pagganap, at sa pangkalahatan ay pinananatili nang walang benepisyo ng pormal na pagtuturo o institusyonal na direksiyon."

Ang batas na ito ay idinagdag sa malawak na koleksiyon ng iba pang batas na idinisenyo upang protektahan ang natural at kultural na pamana ng Estados Unidos. Nagbibigay ito ng boses sa lumalagong pag-unawa na ang pagkakaiba-iba ng kultura ng Estados Unidos ay isang pambansang lakas at isang mapagkukunang karapat-dapat sa pagtatanggol.[8]

Talababa

baguhin
  1. According to Alan Dundes, this term was first introduced in an address by Charles Leland in 1889. He spoke in German to the Hungarian Folklore Society and referenced "Die Folkloristik".[2] In contemporary scholarship, the word Folkloristics is favored by Alan Dundes, and used in the title of his publication.[3] The term Folklore Studies is defined and used by Simon Bronner.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. (Widdowson 2016)
  2. (Dundes 2005, p. 386)
  3. (Dundes 1978a)
  4. (Bronner 1986, p. xi)
  5. (Brunvand 1996)
  6. "UNESCO Recommendation 1989".
  7. "Public Law 94-201 (The Creation of the American Folklife Center, Library of Congress)".
  8. (Hufford 1991)