Aram Naharaim

(Idinirekta mula sa Aram-Naharaim)

Ang Aram Naharaim o Aram-Naharaim, na nangangahulugang "Aram ng Dalawang mga Ilog", ay isang rehiyong limang ulit na binanggit sa Lumang Tipan ng Bibliya. Karaniwang itong iniuugnay sa Nahrima na binanggit sa tatlong tabla ng pakikipag-ugnayang Amarna bilang isang heograpikong paglalarawan ng kaharian ng Mitanni. Ito ang lupain kung saan nakalagak ang lungsod ng Haran. Ayon sa rabinikong tradisyon ng mga Hudyo, nasa Aram Naharaim din ang pook ng kapanganakan ni Abraham.[1] Batay kay Jose C. Abriol, matatagpuan itong malapit sa Ilog ng Eufrates at nasa gawing hilagang-kanluran ng Mesopotamya.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Ramban ukol sa Lech Lecha". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-08-22. Nakuha noong 2009-04-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Abriol, Jose C. (2000). "Aram Naharaim". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 39.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.