Arirang (pelikula ng 1926)

Ang Arirang (아리랑, Arirang) ay isang pelikula ng Korea noong 1926, Isa ito sa mga kauna-unahang pelikula na nagawa ng mga lokal na mga Koreano, ang pamagat ng pelikulang ito ay binase sa tradisyunal na awit na ang pamagat ay Arirang isa itong pelikulang muto na black and white ang pelikula ay nasa panulat at sa Direksiyon ni Na Un'gyu(1902-1937) at pinagbidahan din niya ito. kasama sila Shin Ilseon at Nam Kungun, Ang pelikula ay patungkol sa Japanese Korea.

Arirang
아리랑
Inilabas noong
1 Oktubre 1926
BansaImperyo ng Hapon
WikaKoreano, none

Ang pelikula ay tumatalakay sa isang Estudyante na nag ngangalang Ch'oe Yeongjin,na naging isang baliw matapos siyang mabilanggo at pahirapan ng mga Hapones dahil sa kanyang pakikilahok sa isang protesta noong 1 Marso 1919 laban sa pamahalaan ng Bansang Hapon, siya ay nakabalik at namuhay kasama ng kanyang Ama at kanyang kapatid na babae na si Yeongheui, sa isang maliit na nayon si Yeongjin ay may kaibingang nag ngangalang Yun Hyeon'gu, na nagkagusto kay Yeongheui.Habang ang mga tao ay nagdiriwang ng Pista si O Kiho na isang Chinilpa ng o Sugo ng mga Pulisya ng mga Hapon ay nag tangkang gahasain si Yeongheui,si Yeongjin at Hyeon'gu ay nag-laban ng mabalik ang katinuan ni Yeongjin ay nakita niyang napatay niya si Kiho, Ang pelikula ay nag tapos sa isang malungkot na tagpo ng ang Pulisya ng Hapones ay dinakip si Yeongjin sa burol ng Arirang inamin ng nakakatandang kapatid ang lahat ng kasalanan upang maprotektahan ang nakababatang kapatid.

Tagapagganap

baguhin

Produksiyon

baguhin

Impluwensiya sa mga manonood

baguhin

Ang pelikulang arirang ay pumatok sa mga manonood dahil sa tema at damdaming makabayan ng pelikulang ito, Dito din nag simula ang "ginintuang-panahon ng pelikulang muto sa bansang korea, sinundan pa ito ng mga pelikula na pinamagatang Arirang keuhu iyagi (1930) at ng Arirang 3 na isa ring pelikula na may tema at propagandangAnti-Japanese films.

Nawalang Kalagayan

baguhin

Ang pelikulang Arirang ay isa na ngayong Lost film o nawawalang pelikula.Ang orihinal na siyam na reel ng pelikula Pinaniniwalaang nasira ito noong kasagsagagan ng Digmaang Koreano. Sinansabi din na ang kopya ng pelikula ay na sa pagmamay ari ni Abe Yoshige na namatay noong 2005, ang kanyang koleksiyon ay umaabot sa 50,000 na pelikula na ibinigay sa pamahalaan ng Bansang Hapon ngunit wala pang balita kung nandoon nga ito.