Diyosesis
Sa pamamahalaang eklesyastiko, ang isang diyosesis o obispado ay ang distrito ng simbahan sa ilalim ng hurisdiksyon ng isang obispo.[1]
Arkidiyosesis
baguhinAng mga diyosesis na pinamumunuan ng isang arsobispo ay karaniwang tinutukoy bilang mga arkidiyosesis; karamihan ay mga kalakhang luklukan, na itinatalaga bilang pinuno ng isang eklesyastikong lalawigan. Ang ilan ay mga supragano ng isang kalakhang luklukan o direktang napapailalim sa Banal na Luklukan.
Ang terminong 'arkidiyosesis' ay hindi matatagpuan sa Batas Kanoniko, na may mga katagang "diyosesis" at "episkopal na luklukan" na naaangkop sa lugar na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng simbahan ng sinumang obispo.[2] Kung ang titulo ng arsobispo ay ipinagkaloob sa personal na batayan sa isang diyosesanong obispo, ang kaniyang diyosesis ay hindi sa gayon naging isang arkidiyosesis.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Webster's Encyclopedic Unabridged Dictionary of the English Language, 1989
- ↑ Padron:Catholic Encyclopedia