Si Sri Lankabhimanya Sir Arthur Charles Clarke, CBE, FRAS (16 Disyembre 1917 – 19 Marso 2008) ay isang Britanikong may-akda ng kathang-isip na salaysaying pang-agham (siyensiyang piksiyon), imbentor, at puturista o makahinaharap, na pinakabantog dahil sa nobelang 2001: A Space Odyssey, na isinulat kasama ang direktor na si Stanley Kubrick, isang pagtutulungang nagbunsod din ng pelikulang may ganito ring pangalan; naging tagapagpasinaya at mamumuna o komentador din siya sa Britanikong seryeng pangtelebisyong Arthur C. Clarke's Mysterious World.[3][4] Kasama sina Robert A. Heinlein at Isaac Asimov, kinilala siya bilang isa sa "Big Three" o Malalaking Tatlo ng piksiyong pangsiyensiya. Tumira si Clarke sa Sri Lanka mula noong 1956 hanggang sa kamatayan niya noong 2008. Isang nobela niyang The Fountains of Paradise (1979) tungkol sa elebador na pang-espasyo ay alusyon sa Sri Lanka.

Arthur C. Clarke
Kapanganakan16 Disyembre 1917[1]
    • Minehead
  • (Somerset West and Taunton, Somerset, South West England, Inglatera)
Kamatayan19 Marso 2008[2]
MamamayanUnited Kingdom
NagtaposKing's College London
Trabahoimbentor, screenwriter, nobelista, manunulat ng science fiction, eksplorador, manunulat,[1] pisiko, manunulat ng non-fiction
Pirma

Mga sanggunian

baguhin
  1. Umakyat patungo: 1.0 1.1 https://cs.isabart.org/person/63654; hinango: 1 Abril 2021.
  2. "Writer Arthur C Clarke dies at 90" (sa wikang Ingles). 19 Marso 2008. Nakuha noong 11 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Mysterious World" (1980) sa IMDb
  4. Arthur C. Clarke's Mysterious World sa YouTube. Nakuha noong 23 Marso 2008.

Kawingan

baguhin

Pook-sapot ni Arthur C. Clarke Naka-arkibo 2021-09-07 sa Wayback Machine.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panitikan at Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.