Artipisyal na itlog ng bayag

Ang Implantang testikular, prostesis na itlog ng bayag, o artipisyal na itlog ng bayag (Ingles: testicular implant, testis prosthesis, artificial testis) ay ang itinatanim o ipinamamalit na artipisyal na itlog ng bayag sa mga lalaking tao na wala o tinanggalan ng bahaging ito ng katawan dahil sa siruhiya upang alisin ang kanser, pagkasalanta dahil sa aksidente, pagpilipit o hindi pag-unlad ng isang normal na itlog ng bayag.[1] Ang artipisyal na itlog na bayag na para sa mga aso ay tinatawag na neuticle.

Ang artipisyal na itlog ng bayag ay ipinapalaman o inilalagay sa bayag upang maipanumbalik ang normal na anyo ng iskrotum, at upang makatulong sa pagpapanumbalik ng kalidad ng pamumuhay ng lalaking wala o inalisan ng tunay itlog ng bayag.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Testis Prosthesis[patay na link], turekclinic.com