Artesano

(Idinirekta mula sa Artisano)

Ang artesano ay isang manggagawa o mga dalubhasa sa paggawa o paglikha ng mga bagay na gawa sa kamay na maaaring magagamit o istriktong pang-dekorasyon, halimbawa ang kasangkapan, sining pangdekorasyon, eskultura, pananamit, alahas, mga gamit sa bahay at mga instrumento o kahit na mga gamit na mekanikal katulad ng relong ginawa ng kamay ng isang relohero. Nagsasanay ang mga artesano ng kagalingan at maari sa pamamagitan ng karanasan at kakayahan ay maabot ang antas ng makahulugang gawa ng isang alagad ng sining.

Sa sinaunang Griyego, naakit ang mga artesano sa mga agora at kadalasang itinatayo ang mga pagawaan na malapit sa kanila.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Peppas, Lynn (2005). Life in Ancient Greece (sa wikang Ingles). Crabtree Publishing Company. p. 12. ISBN 0778720357. Nakuha noong 6 Enero 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)