Ang As Time Goes By, na may ibig sabihing "Habang Lumilipas ang Panahon" o "Sa Paglipas ng Panahon" sa pagsasalinwika, ay isang Britanikong situwasyong komedya na sumahimpapawid mula sa BBC One mula 1992 hanggang 2005. Sa pagbida sa mga artistang sina Judi Dench at Geoffrey Palmer, sinusundan ng palabas ang ugnayan sa pagitan ng dating magkasintahang muling biglang nagkita pagkaraan ng kawalan ng pakikipag-ugnayan sa loob ng 38 mga taon.[1].

Tumutukoy ang pamagat ng programa sa awiting "As Time Goes By" noong 1931, na ginamit din bilang musikang pamagat ng palabas, na nirekord ni Joe Fagin.[2]

Isinulat ni Bob Larbey ang palabas,[2] na naging kasamang tagasulat para sa The Good Life. Noong 2004, naging pang-29 ang As Time Goes By sa Britain's Best Sitcom o Pinakamahusay na Situwasyong Komedya sa Britanya.[3]

Isinakatuparan ng Theatre of Comedy Entertainment ang produksiyon ng serye, na kasamang tumutulong ang DLT Entertainment Ltd. (ang kompanyang higit na kilala para sa pagpapakalat ng tanyag na Amerikanong "sitkom" na Three's Company), para sa BBC.

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://www.answers.com/topic/as-time-goes-by-tv-series-1
  2. 2.0 2.1 "As Time Goes By Crew List". Inarkibo mula sa orihinal noong 2001-02-20. Nakuha noong 2008-02-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. BBC - Britain's Best Sitcom - Top 11 to 100


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Telebisyon at United Kingdom ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.