Ascariasis
Ang Ascariasis ay isang karamdaman na dulot ng parasitiko na bulateng roundworm na Ascaris lumbricoides.[1] Ang mga impeksiyon ay walang sintomas sa mahigit sa 85% ng mga kaso, lalong-lalo na kung napakaunti ng bilang ng mga bulate.[1] Ang mga sintomas ay rarami sa pagdami ng mga bulate at maaaring kasama rito ang hirap sa paghinga at lagnat sa pagsisimula ng karamdaman.[1] Maaaring sundan ang mga ito ng paglaki ng tiyan, pananakit ng tiyan at pagtatae.[1] Ang mga bata ang pinakakaraniwang naaapektuhan nito, at sa grupo ng edad na ito, ang impeksiyon ay maaaring magdulot ng mabagal na pagtaas ng timbang, kakulangan ng nutrisyon at mga problema sa pag-aaral.[1][2][3]
Ascariasis | |
---|---|
Ascaris lumbricoides | |
Espesyalidad | Infectious diseases, helminthologist |
Ang impeksiyon ay nagaganap sa pagkain ng mga pagkain o inumin na kontaminado ng mga itlog ng Ascaris na nanggagaling sa dumi o tae.[2] Napipisa ang mga itlog sa mga bituka, bumubutas sa gilid ng tiyan, ay lumilipat sa mga baga sa pamamagitan ng dugo.[2] Lumulusot ang mga ito sa alveoli at dumadaan sa trachea o daaan ng hangin mula sa lalamunan, kung saan ang mga ito ay naiuubo at nalulunok.[2] Pagkatapos ang larvae ay dumadaan sa tiyan sa pangalawang pagkakataon kung saan ang mga ito ay lumalaki nang bulate.[2]
Ang pag-iwas ay mas napapahusay sa pamamagitan ng kalinisan, na kinabibilangan ng pagkakaroon ng mga mas maayos nakubeta o palikuran at maaayos na pagtapon ng mga dumi o tae.[1][4] Ang paghugas ng kamay gamit ang sabon ay lumilitaw ring mabisang pamproteksiyon.[5] Sa mga lugar na ang mahigit sa 20% ng populasyon ay mayroon nito, inirerekomendang gamutin ang lahat ng tao sa regular na pagitan.[1] Karaniwan ang pabalik-balik na impeksiyon.[2][6] Walang bakuna.[2] Ang mga paggamot na inirerekomenda ng World Health Organizationay ang mga gamot naalbendazole, mebendazole, levamisole o pyrantel pamoate.[2] Kasama sa mga mabibisang gamot ang tribendimidine at nitazoxanide.[2]
Ang mga humigit-kumulang na 0.8 hanggang sa 1.2 na bilyong tao sa buong mundo ang may ascarias na ang pinakamaraming taong mayroon nito ay nasa sub-Saharan Africa, Latin America, at sa Asya.[1][7][8] Dahil dito, ang ascariasis ang pinakakaraniwan na uri ng naihahawa sa pamamagitan ng lupa na helminthiasis.[7] Noong 2010, naging sanhi ito ng humigit-kumulang na 2,700 na patay na mas mababa kumpara sa 3,400 noong 1990.[9] Ang ibang uri ng Ascaris naman ang nasa mga baboy.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 Dold, C; Holland, CV (Hul 2011). "Ascaris and ascariasis". Microbes and infection / Institut Pasteur. 13 (7): 632–7. doi:10.1016/j.micinf.2010.09.012. PMID 20934531.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 2.8 Hagel, I; Giusti, T (Okt 2010). "Ascaris lumbricoides: an overview of therapeutic targets". Infectious disorders drug targets. 10 (5): 349–67. doi:10.2174/187152610793180876. PMID 20701574.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Soil-transmitted helminth infections Fact sheet N°366". World Health Organization. Hunyo 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ziegelbauer, K; Speich, B; Mäusezahl, D; Bos, R; Keiser, J; Utzinger, J (Ene 2012). "Effect of sanitation on soil-transmitted helminth infection: systematic review and meta-analysis". PLoS medicine. 9 (1): e1001162. doi:10.1371/journal.pmed.1001162. PMC 3265535. PMID 22291577.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fung, IC; Cairncross, S (Mar 2009). "Ascariasis and handwashing". Transactions of the Royal Society of Tropical Medicine and Hygiene. 103 (3): 215–22. doi:10.1016/j.trstmh.2008.08.003. PMID 18789465.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jia, TW; Melville, S; Utzinger, J; King, CH; Zhou, XN (2012). "Soil-transmitted helminth reinfection after drug treatment: a systematic review and meta-analysis". PLoS neglected tropical diseases. 6 (5): e1621. doi:10.1371/journal.pntd.0001621. PMC 3348161. PMID 22590656.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 Keiser, J; Utzinger, J (2010). "The drugs we have and the drugs we need against major helminth infections". Advances in parasitology. 73: 197–230. doi:10.1016/s0065-308x(10)73008-6. PMID 20627144.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fenwick, A (Mar 2012). "The global burden of neglected tropical diseases". Public health. 126 (3): 233–6. doi:10.1016/j.puhe.2011.11.015. PMID 22325616.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lozano, R (Dis 15, 2012). "Global and regional mortality from 235 causes of death for 20 age groups in 1990 and 2010: a systematic analysis for the Global Burden of Disease Study 2010". Lancet. 380 (9859): 2095–128. doi:10.1016/S0140-6736(12)61728-0. PMID 23245604.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)