Aspect ratio
Ang aspect ratio ng isang heometrikong hugis ay ang ratio ng sukat ng mga magkaibang dimensiyon. Halimbawa, ang aspect ratio ng parihaba ay ang ratio ng mahabang panig sa maikling panig nito - ang tumbasan ng lapad sa tangkad, kapag ang parihaba ay nakapahigang oryentasyon.
Ang aspect ratio ay madalas na inihahayag sa pamamagitan ng dalawang buumbilang na hiniwalay ng tutuldok (x:y), naipapahayag din ito bilang simple o desimal na praksiyon. Ang halaga ng x at y ay hindi aktuwal na representasyon ng mga kalaparan at kaitaasan, at sa halip ay nagpapahayag ng proporsiyon sa pagitan ng kalaparan at kaitaasan. Halimbawa, ang 8:5, 16:10, 1.6:1, 8⁄5 at 1.6 ay pareparehong kumakatawan sa iisang aspect ratio.
Sa mga bagay na may higit sa dalawang dimensyon katulad ng mga hyperrectangle, ang aspect ratio ay maituturing pa rin bilang proporsyon ng pinakamahaba sa pinakamaikling panig.