Atomium
Ang Atomium ( /əˈtoʊmiːəm/ ə-TOH-mee-əm) ay isang palatandaang-pook na gusali sa Bruselas (Belhika) na unang itinayo para sa Peryahang Pandaigdig ng Bruselas ng 1958 (Expo 58). Matatagpuan ito sa Talampas ng Heysel, kung saang ginanap ang pagtatanghal. Museo na ito sa kasalukuyan.[1]
Ang Atomium | |
---|---|
Pangkalahatang impormasyon | |
Katayuan | Bukas |
Estilong arkitektural | Modernismo |
Pahatiran | Square de l'Atomium / Atomiumsquare B-1020 Laeken |
Bayan o lungsod | Lungsod ng Bruselas, Punong Rehiyon ng Bruselas |
Bansa | Belhika |
Mga koordinado | 50°53′41″N 4°20′28″E / 50.89472°N 4.34111°E |
Natapos | 1958 |
Taas | |
Taluktok ng antena | 102 m (335 tal) |
Disenyo at konstruksiyon | |
Arkitekto | André at Jean Polak |
Inhinyero | André Waterkeyn |
Websayt | |
Opisyal na website |
Ang gusali, na dinisenyo nina inhinyero André Waterkeyn at arkitekto André at Jean Polak,[1] ay may taas na 102 metro (335 talampakan). Magkaugnay ang siyam na nikeladong mga espera, bawat isa ay may diyametrong 18 metro (60 talampakan), sa paraang nakabuo ito ng hugis ng isang yunit ng selula ng isang bubog na α-iron (perita) na pinalaki nang 165 bilyong beses. Ang mga tubong may 3 metro (10 talampakan) na diyametro ay nag-uugnay ng mga espera sa sentro sa kahabaan ng 12 mga gilid ng kubo (cube) at lahat ng walong mga verteks. Pinalilibutan ng mga ito ang mga hagdan, eskalador, at isang elebador (sa pinakagitna at patayong tubo) upang magkaroon ng daan papunta sa limang matitirhang mga espera, na taglay ang mga exhibit hall at ibang pampublikong mga espasyo. Taglay ng espera sa tuktok ang isang restoran na nagbibigay ng tanawing panoramiko ng Bruselas.
Pinaglilingkuran ang lugar ng estasyong metro ng Heysel/Heizel sa ika-anim na linya ng metro ng Bruselas.
Galeriya
baguhin-
Atomium mula sa likod
-
Gitnang espera ng Atomium
-
Atomium sa gabi
-
Atomium mula sa likod sa gabi
Mga sanggunian
baguhinMga kawing panlabas
baguhinMay kaugnay na midya ang Atomium sa Wikimedia Commons