Atsarang papaya
Ang atsarang papaya ay isang katutubong uri ng inimbak na gulay sa tinamisang suka na malimit gawain sa Katagalugan. Ito ay dessert o pang-alis ng umay o suya pagkatapos makakain ng karne at iba pang matatabang pagkain sa handaan. Ang atsarang papaya ay ginadgad na hilaw na bunga ng papaya, piniga at saka inilagay sa malinis na sisidlang bote. Ang sirup nito ay yari sa pinakulong suka na may asukal. Bago ibuhos ang tinamisang suka ay isinasalansan muna ang pinigang papaya kasama ng gayat ng luya, siling malalaki at hiwa ng karot sa sisidlang bote. Ang maayos at malinis na pagkakahanda nito ay magbibigay katiyakan ng matagalang pagkakaimbak nito ng hindi nagbabago ang timpla at katamisan nito kahit mahigit isang buwan. Sa ibang lalawigan hindi lang papaya ang nagagawang atsara, maari din ang ubod ng niyog, labanos at labong ng kawayan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain at Pagluluto ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.